• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BANTAYAN ANG MGA ANAK

DUMARAMI ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw-araw na sa pinakahuling report, umabot na sa 49 ang kaso ng sakit, pero pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit ang ginagawa nilang pag-monitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19.

 

Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at ang Metro Manila ang napuruhan. Ayon sa DOH, maraming naitala sa National Capital Region (NCR) dahil narito ang port of entry.

 

Isang magandang hakbang naman ang gina-wang pagsuspinde sa lahat ng antas ng klase sa Metro Manila. Mula Marso 10 hanggang 15 ay walang pasok na mismong si Duterte mismo ang nag-anunsiyo ng suspension, ito ay para mapigil ang pagkalat ng virus.

 

Ayon sa Presidente ‘pag natapos ang suspension ng klase at patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, muli raw silang magpupulong para pag-aralan ang mga susunod na hakbang. Ang mahalaga aniya ngayon ay nasa bahay ang mga bata para mailayo sa kumakalat na virus.

 

Nararapat namang bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at baka sa halip na tumigil sa bahay ang mga ito ay magtungo sa mall o sa mga matataong lugar kasama ng mga kaklase o kaibigan. Lubhang mapanganib ngayon kaya nararapat gabayan ang mga anak.

 

Ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang pag-iingat kaya nararapat namang gawin ng mga magulang ang papel para maingatan ang mga bata. Hindi na biro ang pagkalat ng COVID-19 na buong mundo na ang apektado.

Other News
  • Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%

    IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año  na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob  ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa  lockdown dahil sa coronavirus pandemic.   Pinagbasehan  ni Año ang  data mula sa Philippine National Police (PNP).   Sa nasabing data,16,879  ang napaulat […]

  • 2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL

    MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.   Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.   Pinayuhan […]

  • Ads December 22, 2021