• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon

DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan kandidato siya sa pagka-PCL national chairman.

 

Binulabog ang eleksiyon ng diumano’y mga tangkang pandaraya at ‘computer software glitches.’ Sa mga ‘video’ na inilagay sa Facebook ipinakita ang ilang kunsehal na sinusubukan at pinipindot ang boto kay Salceda sa computer ngunit ang lumalabas na boto ay sa pangalan ng kalaban niya. Inimbestigahan ito ng PCL National Board at mga opisyal ng DILG na nagulat din sila sa natuklasan.

 

Ayon sa team ni Salceda, 9,100 sa 11,900 rehistradong delegado sa halalan ang nangakong sila ang iboboto. Dahil sa natuklasan, nagpasya ang karamihan sa mga kunsehal na pulungin ang kanilang General Membership Assembly na nagpasyang gawing ‘manual’ o manu-mano na lamang ang botohan, ngunit walang naganap na eleksiyon pagkatapos ng siyam na oras. Dahil dito, nagpasya nga itong ipagpaliban ang PCL election sa loob ng 60 araw at gawin ito sa ilalim ng superbisyon ng DILG.

 

Gayunman, inimungkahi ni Salceda sa kampo niya na manatiling kalmado at patuloy na panindigan ang tamang prinsipyo. Nagtapos sa Yale University sa Amerika, itinuturing niyang “binyag sa apoy” ang naranasan niya. Binigyan din niya na REPORMA ang ‘tunay na kandidato” sa PCL election, “lalo na ang mga repormang isusulong ng PCL sa ilalim ng bagong pamunuan nito.”

 

Ikinakampanya ni Jesciel na pamangkin ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee ang mga pagbabago batay sa mga repormang adyenda ni Pangulong Duterte. Kasama rito ang ilang amyenda sa Saligang Batas, ang pagpapahaba sa limang taon sa termino ng mga opisyal ng LGU at mga kinatawan sa Kamara, at karapatan sa dalawang magkakasunod na reeleksiyon, at paglalagay sa Konstitusyon ng “Mandanas Ruling” ng Korte Suprema upang matiyak ang “patas na bahagi” ng mga LGU sa ‘Internal Revenue Allotment (IRA) fund.’

 

Ang PCL ay binubuo ng mga 17,000 kunsehal mula sa 146 na mga lungsod at 1,488 na bayan sa bansa. (Richard Mesa)

Other News
  • Ex-PAL president tinalaga sa DOTr bilang bagong kalihim

    TINALAGA ni incoming president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si dating Philippine Airlines president Jaime Bautista bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).     Sa isang isang press statement na binigay ni press secretary-designate Trixie Cruz-Angeles, si Bautista ay isang beteranong airlines executive na may 25 na taon experience sa ating flag carrier na PAL […]

  • Ads March 5, 2022

  • PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

    IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.   Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]