• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DRIVER’S LICENSE, BOW!

KASKASERO, balasubas, kamote, pasaway ay ilan lamang sa mga bansag sa mga pasaway na drayber na hindi dapat nabibigyan ng prebilehiyo na makapagmaneho.

 

Kabilang sila sa mga dahilan kung bakit nakapagtala ng mahigit 121,000 insidente sa kalsada sa Metro Manila mula Enero hanggang Disyembre 2019.

 

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabuuang 121,771 na road crashes ang naitala. Pawang fatal, non-fatal at Damage to Property (DTP) ang klasipikasyon ng mga nangyaring insidente.

 

Kaugnay nito, mahigit 40,500 sa mga insidente ay naitala sa pitong major roads sa bansa — EDSA, C5, Commonwealth, Roxas Boulevard, Marcos Highway, Quezon Avenue at R10, habang ang mga sasakyang sangkot ay pedicab, tricycle, kotse, jeep, taxi, bus, truck at van. Kapansin-pansing hindi nabanggit ang motorsiklo na halos araw-araw ay may naiuulat ding insidente ng pagsemplang at salpukan.

 

Isa sa mga nakikita nating problema ay may mga drayber na kulang ang kaalaman sa mga batas-trapiko. Ang masaklap, sa kabila nito ay nakalulusot pa rin sa renewal ng lisensiya. Ibig sabihin, may isyu rin sa mga ahensiya ng gobyerno.

 

Sakit din sa ulo ang mga drayber na bumibiyahe nang wala sa huwisyo, lasing o sabog sa ilegal na droga. Sa simula pa lang ng 2020, kaliwa’t kanan na ang mga nabibiktima ng pag-araro at banggaan, huwag naman sanang lumobo pa sa pagtatapos ng taon.

 

Pero, kung lalo pang lalala ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga iresponsableng drayber, panahon na para mas higpitan ang mga batas na ipinatutupad sa lansangan.

 

Mula sa pagbibigay ng lisensiya, pagre-renew, hanggang sa pagpapataw ng parusa sa mga pasaway, kung puwedeng itodo na ang paghihigpit ay gawin na.

 

Tandaan, ang kapirasong papel na ipinagkatiwala sa atin ay lisensiya para makapamuhay nang mas komportable at madali ang mga bagay-bagay at hindi para mapadali ang sariling buhay o ang buhay ng sinuman.

Other News
  • Tuloy pa rin ang Bulacan airport, special economic zone hiwalay na proyekto” -Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS- Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando na tuloy pa rin ang konstruksyon ng paliparan sa Bulacan at hindi ito apektado ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bill na lumilikha sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.     Pinaliwanag ni Fernando, magkahiwalay na institusyon ang dalawang proyekto […]

  • Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

    Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.     Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]

  • Baril tinangkang agawin, drug suspect malubha sa pulis

    Nasa malubhang kalagayan ang isang 32-anyos na drug personality na nagtangkang gahasain ang isang 15-anyos na estudyante matapos pumutok ang service firearm ng isang pulis na kanyang tinangkang agawin sa isang entrapment operation sa Caloocan city.     Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) officer-in-charge P/Maj. Amor Cerillo ang naarestong […]