• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gitna ng TNT, pinapapwersa kay Erram

TIBA-TIBA ang Talk ‘N Text sa offseason nang makalawit si John Paul ‘Poy’ Erram mula sister-team North Luzon Expressway.

 

May dalawang ulit pang pinarebisa ng Philippine Basketball Association (PBA) trade committee ang mga dokumento bago naaprubahan ang three-team trade kasangkot ang Blackwater.

 

Pumuwersa lalo ang KaTropa, nagkaroon ng lehitimong big man. Mas mapapakinabangan na ang laro ni Jeth Troy Rosario na mas komportable sa stretch four.

 

“Kahit saan mo si Poy ilagay, malaking bagay iyan, eh,” komento kahapon ni coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr. “Good for us, makaka-help siya with our rotation especially kulang din kami sa bigs.”

 

Solido pa rin ang core ng koponan kina Jayson Castro, Rosario, Roger Ray Pogoy, veteran Kelly Williams, Anthony Jay Washington.

 

Paunang full season niya si Bobby Ray Parks, Jr. na nalambat mula sa Elite sa Governors Cup, at si Simon Enciso sa Alaska Milk swap. Nadale rin si Kib Montalbo mula La Salle sa Draft nitong Disyembre.

 

“We’re trying to build up our team. Hopefully with the demographic of seasoned ang young players, we’ will be able to do that,” tugon ni team governor Victorico ’Ricky’ Vargas.

 

Palaging kontender ang TNT kahit nang wala pa si Erram. Pasok sa playoffs ng nakaraang Philippine Cup pero nasipa sa San Miguel Beer sa tatlong laro. Sa Commissioner’s, top seed ang KaTropa at hinakbangan ang Aces sa quarters at Barangay Ginebra San Miguel sa semifinals, pero nasilat muli sa SMB sa finals 4-2. Sa Governors Cup, No. 3 sila, kinahig ang Magnolia sa quarterfinals pero kinuryente ng Meralco sa semis.

 

“Kami naman, magaling sa umpisa. Pagdating sa huli, palpak,” natatawang hirit ni Vargas. “Hindi ko alam bakit nangyayari iyon. Balang araw, malalaman ko rin.”

 

Tumindi sa papel ang TNT sa pagbabalik ni Erram lalao’t walang June Mar Fajardo ang defending champion San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ang Gin KIngs at tengga sa first month ng season si Raymond Almazan ng Meralco.

 

Puwedeng maging malakas na hanggang dulo ang TNT sa parating na 45th PBA PH Cup na sisiklab bukas (Linggo, Marso 8) sa Araneta Coliseum, pero Marso 11 pa ang binyag sa team sa Big Dome rin kontra Phoenix Pulse.

Other News
  • PBBM, dumating na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit

    DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit.     Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates.     Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne […]

  • Mahigit 1.1K kabataan, binakunahan sa pilot pediatric vax

    MAHIGIT sa  1,000 menor de edad na may edad na 15 hanggang 17  binakunahan na bilang bahagi ng  pilot pediatric vaccination.     Ito ang ulat ng  National Task Force (NTF) Against Covid-19.     Sinimulan ng pamahalaan ang  rollout sa 8 ospital sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila na nagsimula noong Oktubre 15, […]

  • PBBM, personal na dinalaw ang mga taga-Cam Sur na naapektuhan ng bagyong Kristine

    PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine sa Bula, Camarines Sur, at kanyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan hanggang sa kanilang tuluyang pagbangon.       Kasama ang DSWD, namahagi ang Pangulo ng cash assistance at karagdagang food packs para maalalayan ang mga […]