• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAJA, umaming dahil sa pamilya kaya tinanggap ang offer ng TV5

NAGING honest si Maja Salvador sa naging deciding factor niya nang tanggapin niya ang offer ng TV5 at Brightlight Productions na lumipat mula sa pagiging Kapamilya star.

 

Kasama sina Donny Pangilinan, Catriona Gray, Jake Ejercito at Piolo Pascual, sila ang mga host ng bagong ilulunsad na Sunday noontime show ng network, ang SNL o Sunday Noontime Live.

 

Hindi naman itinanggi ni Maja na nang maglambing sa kanya ang kanyang tatay-tatayan na si Mr. Johnny Manahan na samahan ito, hindi raw talaga siya makahihindi. At very grateful din daw siya sa talagang sumusugal nga sa Brighlight Productions, ang producer nito na si Congressman Albee Benitez.

 

Bukod pa rito, sabi nga ni Maja, ngayong panahon ng pandemya, kailangan din naman niya na makapagbigay ng suporta sa kanyang pamilya.

 

“Ang masasabi ko lang, I’m very grateful and thankful kay Mr. M for trusting in me. Regret? Siguro magkakaroon po ako ng regret kung sarili ko lang ang inisip ko. Isang malaking bagay po na nagpa-oo sa akin ay yung makakatulong ako sa aking pamilya.”

 

At very grateful daw siya sa ASAP dahil dito siya nakilala lalo na sa husay niya sa dance floor.

 

“Hindi po ako makikilala sa pagsasayaw kung hindi dahil sa ASAP. For 17 years, wala akong ibang ginawa every Sunday kung hindi ang sumayaw nang sumayaw.

 

“Forever grateful po ako sa inyo at since ang aking Tatay, si Mr. M ay naglambing, kailangan ko po siyang samahan. Parang hindi po ako makatanggi kay Mr. M, lalo na via Zoom, sinabi niya, ‘Maja, kailangan kita.’ How can I say no to him? Of course, my ASAP family, my bosses in ABS-CBN, naiintindihan nila lahat. Hindi naman po ako lalabas dito, tanggapin ang show na ‘to kung hindi maayos po yung pag-uusap ng lahat.

 

“Parang at the end of the day, ramdam ko na pamilya talaga kami. Ang pamilya ay iniintindi ang bawat isa at pangangailangan ng bawat isa.”

 

At simula nga ngayong Linggo, mula 12:00NN-2:00PM ay sa TV5 na siya mapapanood via Sunday Noontime Live. May catch-up airing at 8:00PM sa Colours Channel 202 HD at Channel 60 SD on Cignal TV. (ROSE GARCIA)

Other News
  • DOTr: “No vax, no ride” sa NCR ipatutupad

    Simula sa susunod na linggo, ang mga pasaherong walang bakuna ay hindi na papayagan na sumakay sa mga pampublikong transportasyon habang ang Department of Transportation (DOTr) ay magpapatupad ng “no vaccine, no ride” na polisia sa National Capital Region (NCR).       Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade noong nakarang Martes ang isang Department […]

  • Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado

    INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas.   Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves […]

  • Training camp ng Gilas sa Calambubble tigil muna!

    Muling bubuwagin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Ito ay dahil na rin sa nakakaalarmang pagdami ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na siyang dahilan upang ibalik sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR plus […]