Money laundering, sex trafficking ng ilang Chinese sa PH, isinalang sa hearing
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
INUSISA ng mga senador ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pa dahil sa isyu ng pagpupuslit ng malaking halaga ng pera ng ilang Chinese.
Matatandaang sa privilege speech ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipinakita nito ang bulto-bultong pera na ipinuslit sa ating bansa na may halagang $447 million o katumbas ng P22 billion.
Sinasabing gamit ito ng mga Chinese sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at ilang iligal na aktibidad.
Batay sa batas, sinabi nina AMLC Executive Director Mel Racela at Customs Commissioner Rey Guerrero na maituturing na bilang smuggling ang pagpasok ng ganun kalaking halaga ng pera.
Naungkat din sa hearing ang umano’y identity theft at sex trafficking na kinasasangkutan ng ilang Chinese.(Daris Jose)
-
Maraming natuwa sa lumabas na balita… LUIS, mukhang tuloy na sa pagtakbo silang mayor ng Lipa City
KUNG noon ay tinanggihan ng TV host/actor na si Luis Manzano ang pagpasok sa mundo ng pulitika, sa darating na 2025 elections daw ay mukhang “go” na siya. Ayon sa nakausap namin na isa sa department heads ng Lipa City hall ay malamang daw si Luis na ang susunod na mayor ng Lipa […]
-
Gilas Pilipinas pamatayang 3 sentro – Fajardo
MAGIGING astig ang gitna ng Gilas Pilipinas para sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga iho-host ng bansa sa pamamagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, Japan at Indonesia. Ito ang nakikita ni veteran internationalist June Mar Fajardo dahil sa trio center ng national men’s basketball team para sa quadrennial […]
-
DATING COMELEC CHAIRMAN, SIXTO BRILLANTES, PUMANAW NA
PUMANAW na si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Sixt Brillantes. . Ayon kay Comelec Spokespeson James Jimenez, pumanaw si Brillantes dakong alas-11:08 ng umaga ngayong Martes, August 11. Namuno itong Comelec Chair noong Enero 2011 hanggang Pebrero 2015 . Sa kasagsagan ng pandemiya, si Brillantes ang iniulat na tinamaan ng sakit na COVID-19. Sa […]