• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Educational assistance sa HS students, binigay ni Cong. Tiangco

NAMAHAGI si Congressman John Reynald Tiangco kahapon (Huwebes) ng educational assistance para sa mga junior high school students sa Navotas.

 

Nasa 1,100 mga estudyante mula sa mga pampublikong high school sa lungsod ang tatanggap ng P5,000 para sa school year 2019-2020.

 

Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga magulang na siguruhing sa pag-aaral ng kanilang mga anak mapupunta ang perang kanilang natanggap.

 

“Mahirap ang buhay; madaling gastusin ang P5,000 sa loob lang ng isang araw. Kaya kailangang siguruhin natin na gagamitin lang ang perang natanggap para sa edukasyon ng ating mga anak,” aniya.

 

Pinaalalahanan din ng bagitong mambabatas ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at pagsikapang makapagtapos.

 

“Ako at ang inyong mga magulang ay may parehong pangarap para sa inyo—na makamit ninyo ang inyong diploma at magkaroon kayo ng oportunidad na makagawa ng magandang kinabukasan para sa inyong sarili,” aniya.
Dagdag ni Tiangco, kung nais nila na mag-aral sa kolehiyo, maaari silang mag-enroll nang libre sa Navotas Polytechnic College.

 

Sa kabilang banda, ang mga gusto namang magkaroon ng technical-vocational skills ay maaaring mag-aral nang libre sa Navotas Vocational Training and Assessment Institute. (Richard Mesa)

Other News
  • May karagdagang 400k na donasyong bakuna ang China

    INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may karagdagang 400,000 doses ng bakuna na donasyon ang matatanggap ng Pilipinas mula sa China   Sa idinaos na Inauguration of School Buildings sa Canumay East National High School at Lawang Bato National High School sa Lawang Bato National HighSchool,Valenzuela City ay nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang […]

  • Anomalya sa ‘TUPAD’ program ng DOLE pina-iimbestigahan sa Kamara

    PINAIIMBESTIGAHAN  ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang napaulat na umano’y katiwalian ng ilang organisasyon sa “Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers” o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).     Sa inihaing House Resolution No. 506 ni Rep. Ordanes kanyang hinimok ang angkop na Komite na imbestigahan ang natanggap nilang […]

  • Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

    IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.   Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.   Binigyang halimbawa pa […]