• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TWG binuo para balangkasin ang “Sagip Kolehiyo Act”

Pinagtibay ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Resolution 1380 na iniakda ni Rizal Rep. Juan Fidel Felipe Nograles.

 

 

Layon ng resolusyon na hilingin sa komite na hikayatin ang pagsasanay ng mas maraming Pilinong siyentista at dalubhasa sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ni Dr. Ben Macatangay, kinatawan mula sa Commission on Higher and Technical Education (CHED), na ang suporta ng pamahalaan para sa dayuhang scholarship at pagsusulong ng ibayong pag-aaral at pagsasanay sa ibang bansa ay isang magandang puhunan sa mataas na edukasyon, na tiyak na mamumunga ng maraming manggagawa na may teknikal na kakayahan, kabilang na ang pagpapalawig ng paglilipat ng kaalaman, kasanayan at teknolohiya.

 

 

Binuo rin ng komite ang isang technical working group (TWG) na babalangkas sa HB 7446 o ang “Sagip Kolehiyo Act,” na nalalayong gamitin ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST), para sa pag-eenrol at ayuda sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo, na mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at iba pang mga manggagawa, na nawalan ng trabaho dahil sa pagbagal ng ekonomiya na sanhi ng pandemyang dulot ng COVID0-19.

 

 

Layon pa ng panukala na palakasin ang enrollment sa mga pribadong Higher Educational Institutions (HEIs), at maiiwasan nito ang pagdami ng walang trabaho sa bansa.

 

 

Inaprubahan ng komite ang mga lokal na panukala: HB 8198 na iniakda ni Deputy Speaker Pablo John Garcia, na naglalayong gawing regular na campus ang Balanban extension campus ng Cebu Technological University (CTU); at ang HB 8247 ni North Cotabato Rep. Jose Tejada, na naglalayong itatag ang isang medical school sa University of Southern Mindanao (USM).  (ARA ROMERO)

Other News
  • DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

    INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.     Aniya, […]

  • Canadian tennis star Andreescu target na mahigitan si Williams

    Pangarap ni Canadian tennis player Bianca Andreescu na mahigitan ang record ni US tennis star Serena Williams.   Ayon sa 20-anyos na tennis player na malaki ang pangarap niya gaya ng malampasan ang record ng ilang mga sikat na tennis star na kinabibilangan ni Williams, Chrissy Evert o ang Australian tennis star Margaret Court.   […]

  • 3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan

    TATLONG  bagong va­riants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.     Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.     “Currently, no […]