• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mangrobang balik karera

INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.

 

 

Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete kasama ang isa pang male athlete sa takbong muli ng mga karera umpisa sa Marso 15 sa hangad na makapasok sa world’s top 75 para makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.

 

 

Sakaling sumblay sa World Triathlon top 75 rankings,  tanging pag-asa ng ‘Pinas na makapagpadala pa rin ng triathlete sa quadrennial sportsfest ang via wildcard entry. Nasa 137th sa WT sa ngayon si Mangrobang.

 

 

Bumalik ng Portugal nitong Enero 11 ang dalaga para sa patuloy nap ag-eensayo at paghahanda sa mga karera sa Europe at ilan pang lugar. (REC)

Other News
  • DILG sa mga LGUs:’Pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores’

    HINIMOK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na pagtibayin ang ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari sari stores.     Ito ay kasunod s paglaganao ng mga pekeng gamot sa mga maliliit na retail stores.     Inatasan din ni Sec Año ang […]

  • SSS, PhilHealth contribution tataas simula Enero 2023

    MAGKAKAROON  ng pagtaas sa kontri­busyon ng mga miyembro sa PhilHealth at Social Security System (SSS) simula Enero 2023.     Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga emple­yado na P30,000. Ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.     Inihalimbawa […]

  • LTFRB, LTO gagamit ng online, cashless transactions sa panahon ng “new normal”

    Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay nagsusulong ng technological innovations na makakatulong upang magkaroon ng limitadong human intervention at physical contact sa mga transactions sa loob ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan.   Simula sa Martes, ang LTFRB ay […]