LTFRB, LTO gagamit ng online, cashless transactions sa panahon ng “new normal”
- Published on June 17, 2020
- by @peoplesbalita
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay nagsusulong ng technological innovations na makakatulong upang magkaroon ng limitadong human intervention at physical contact sa mga transactions sa loob ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan.
Simula sa Martes, ang LTFRB ay maglulungsad sa National Capital Region (NCR) ng isang makabagong initiative, ang tinatawag na Public Transport Online Processing System (PTOPS).
Nagkakaroon na ng pilot testing at consultation sa mga stake holders simula noong June 1 at matatapos sa June 15 ang PTOPS na siyang magbibigay daan upang ang mga transactions ay gagawin na lahat sa pamamagitan ng ng online upang mas maging mabilis at accessible sa lahat ng stakeholders ang services ng LTFRB at LTO. Hindi lamang kasama sa online services ang publication at hearing ng mga cases
Gagawin ang PTOPS sa pakikipagtulungan ng PISOPAY.COM. Ang online transactions ay maiiwasan din ang physical contact at ang physical distancing ay patuloy na magagawa na isa sa mga precautionary measure upang hindi kumalat ang COVID-19.
“Using PTOPS, a user can easily create an account, select the type of transaction, and schedule an appointment online with the LTFRB or LTO,” ayon sa DOTr.
Hindi lamang physical distancing at personal contact ang maiiwasan kundi mahihinto rin ang pagkakaron ng mga corrupt practices sapagkat mababawasan ang human intervention.
Ayon kay Chairman Martin Delgra na kailangan ng masanay ang mga stakeholders sa ganitong mga paraan sapagkat ito na ang simula ng new normal.
“We are making our services accessible at the comfort of your homes and we have to adapt to this new reality. In this way, we lower the risk of possible virus transmission,” dagdag pa ni Delgra.
Sinisimulan na rin ng DOTr ang pagpapatupad ng mga safety protocols tulad ng pagkakaron ng cashless transactions at digital payments ngayong new normal.
“The Department has encouraged various digital payment providers to make their services available to transport operators and drivers to pave the way for cashless or contactless transactions in public transportation, such as taxis, and transport network vehicle services (TNVS).
Sa LTO, may mga bagong procedures din ang ipatutupad para sa mga iba’t ibang transactions ditto sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS).
Ang LTMS ay makakatulong upang ang isang stakeholder ay magawa ang transaction sa pamamagitan ng online processing kasama dito ang driver/conductor’s application para sa renewal ng driver’s license, request para sa bagong records, at request tungkol sa Certificate of No Apprehension.
“For settlement of traffic violations, motorists with admitted cases may settle their violations outright by paying fines at any LTO District Office Cashier or via electronic payment channels and online banking,” sabi ng LTO.
Samantala, para naman sa mga contested cases, ang isang motorista ay maaaring magbigay ng position papers sa pamamagitan ng online sa ilalim ng LTMS. Habang ang mga notification para sa schedule ng hearing at settlement updates ay ipapadala naman sa pamamagitan ng electronic mail (email) at portal dashboard.
Sangayon, ang LTMS ay nasa pilot stage pa lang sa ibang LTO offices na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
“We are doing the pilot-testing at 24 LTO Offices to iron-out the technical glitches, and thus ensure that everything will run smoothly. Once all are in place, the LTMS will be implemented in all LTO Offices nationwide. LTMS will limit human intervention so as to comply with the safety protocol advised by health authorities,” ayon kay Assec Edgar Galvante. (LASACMAR)
-
Food stamp program, balak ibalik ng DSWD
PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng maraming mahihirap na Pinoy. Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may […]
-
SERIAL KILLER SA TONDO, FAKE NEWS– Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan
“FAKE news.” Ito ang pahayag ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan hinggil sa kumakalat na balita sa social media na may lumilibot na “serial killer” sa Maynila partikular na sa Tondo. Sa ginanap na pulong balitaan sa Bulwagan Antonio Villegas sa Manila City Hall na pinangunahan nina Lacuna kasama sina […]
-
KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan
NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh. Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan. Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]