• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 LRT 2 stations binuksan

Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019.

 

Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers.

 

Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.

 

Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.

 

Ibinalita nama ng Department of Transportation (DOTr) na ang LRT 2’s East Extension project na Marikina at Antipolo ay magiging operational sa darating na April 26.

 

Ang project proponents sa LRT Line 2 Extension ay ang D.M. Consunji Inc. at ang Marubeni Corp. at ang kanilang aid parter ay ang Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.

 

Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng  ng karagdagang humigit kumulang  na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)

Other News
  • “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BREAKS GUINNESS WORLD RECORDS TITLE FOR MOST DOGS ATTENDING A FILM SCREENING!

    LOS ANGELES, September 24, 2023 – Two paws up for PAW Patrol: The Mighty Movie breaking the GUINNESS WORLD RECORDS official title for Most Dogs Attending a Film Screening in honor of its release, only in theaters October 11, 2023. Families and their furry friends came together to break the record for “Most Dogs Attending A Film […]

  • Sekyu kulong sa pagbabanta at panunutok ng baril sa kinakasama

    KALABOSO ang 39-anyos na sekyu matapos tutukan ng baril at hablutin ang buhok ng kanyang kinakasama nang maibigay ang ginang ng perang pambili nila ng pagkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong suspek na si alyas “Aguilar” ng Brgy. Pasolo na nahaharap […]

  • Willing pa rin siyang mag-serve sa Batangas: VILMA, naghihintay pa ng ‘sign’ kung tatakbong muli bilang governor

    SI Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang featured celebrity para sa Cultural Wednesdays ng Deparment of Foreign Affairs.         Punong-puno ang bulwagan ng DFA at lahat ay nakikinig sa mga ibinabahagi na experiences ni Ate Vi sa Philippine Film industry.       At yung mga karanasan niya na naging dahilan […]