Dalagita, 3 pa, tiklo sa P.3M halaga ng shabu
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa apat katao kabilang ang isang 17-anyos na dalagita matapos masakote sa drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vincent Young, 25, istambay, Pamela Atienza, 21, saleslady, kapwa ng Brgy. 14, Paul Ryan Coronel, 27, istambay, ng Brgy. 18 at isang 17-anyos na dalagita.
Ayon sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ang buy-bust operasyon kontra sa mga suspek dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Brgy. 14, Caloocan City matapos ang masusing pagmamatyag ng pulisya hinggil sa kanila umanong iligal na gawain.
Nang magpalit ng kamay ang marked money at epektus ay sumenyas ang poseur-buyer sa kanyang mga kasamang pulis na agad namang lumapit at dinamba ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, dalawang cellular phone, P1,600 na cash, at buy-bust money.
Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
‘Eternals 2’ Development at Marvel Studios, Begun To Surface
ETERNALS 2 is already in development at Marvel Studios, as reports have begun to surface. Directed by Chloé Zhao, Eternals has been shrouded in mystery since its announcement in 2019. It’s hard to determine just which movie MCU fans are looking forward to most after nearly two years of no releases, but it’s clear that this […]
-
Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19
Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak. Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland. Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]
-
Zero COVID-19 positive itinala ng NBA
Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida. Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak. Lalaruin […]