Grab sa TNVS: ‘Inactive’ drivers, alisin sa master list
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
PINAKIUSAPAN ng ride-hailing giant na Grab ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin sa master list nito ng transport network vehicle service (TNVS) drivers ang mga inactive na miyembro.
Sinabi ni Grab president Brian Cu na tinatayang higit sa 5 milyong tao ang magbo-book ng biyahe sa buong Metro Manila sa susunod na buwan.
Ang pag-alis sa mga inactive na TNVS drivers mula sa master list at pagpuno sa mga bukas na slot ang makakatulong upang siguruhing may sapat na biyahe anumang oras.
Nagtakda ng 65,000 cap ang LTFRB para sa mga TNVS drivers.
Ang Grab, ayon kay Cu, ay mayroong 45,000 na accredited drivers sa ngayon kahit 35,000 lamang ang tumatanggap ng bookings sa araw-araw.
Ramdam umano ang shortage noong nakaraang holiday season, kung saan nakakapagtala ng nasa 3 milyong bookings sa isang araw ang transport company.
-
De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball
MAY ilang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna. Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida. […]
-
Nag-pre-med na pero pinatigil para sa business course: RICHARD, natupad na ang pangarap na maging doktor kahit sa pag-arte lamang
PANGARAP pala noon ng aktor na si Richard Yap ay ang maging isang doktor. Sa latest episode ng online podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Richard ang kanyang dream noon na maging isang neurosurgeon. “I wanted to be a neurosurgeon when I was younger, and I actually took up pre-med […]
-
Knott tuloy ang training
NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash. Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang […]