Villanueva sa DOLE: 700 empleyado ng Honda, tulungan
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment na tulungan ang 700 trabahador ng Honda dahil sa napipintong pagsasara ng kanilang planta sa Sta. Rosa Laguna.
Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development, naka-kabahala aniya ang pagsasara ng Honda plant dahil bukod sa trabahong mawawala, ang mga pamilya rin ng mga ito ang maaapektuhan.
“Nakakabahala po ang nakaambang pagkawala ng mga trabahong nandito na katulad ng 700 na trabahong apektado sa pagsara ng Honda car manufacturing facility sa Sta Rosa, Laguna matapos ang halos tatlong dekada na operasyon,” sabi ni Villanueva.
“Maliban sa 700 na trabahong mawawala, 700 na pamilya rin ang maapektuhan nito,” dagdag pa nito.
Sabi ni Villanueva, dapat tiyakin ng DOLE na matutulungan nila ang mga manggagawa ng Honda na makahanap ng malilipatang trabaho sa oras na huminto na nga ang operasyon nito.
“Tinatawagan po natin ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na siguraduhing mapanatili ang mga trabahong andito na at kaagad na tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong manggagawa at pamilya nila,” sabi nito.
Bagama’t hindi pa malaman ang ugat ng planong pagsasara ng planta, sinabi ni Villanueva na nakahanda sila sa Senado na imbestigahan ito.
“Hindi pa po natin matukoy ang puno’t dulo ng isyu na ito dahil maaaring may iba pang malalim na dahilan dito. Nakahanda ang ating Committee on Labor para maglungsad ng pagdinig tungkol dito kung kinakailangan,” ayon pa sa senador.
Sa website na visor.ph, Marso 26 nakatakdang huminto ang produksyon sa planta.
-
Walang naiulat na Pinoy na apektado ng Hurricane Helene —PH Embassy
SINABI ng Philippine Embassy sa Washington na wala pa itong natatanggap na anumang ulat na may mga Filipino ang naapektuhan ng Hurricane Helene sa US southeast. Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang Embahada sa situwasyon kasama ang Philippine Honorary Consulates sa Florida at Georgia. Nananatili naman itong handa na magbigay ng anumang kakailanganing […]
-
DOTr: Paghuhukay ng tunnel sa Metro Manila Subway project, magsisimula na sa Dec
NAKATAKDA nang simulan sa buwan ng Disyembre ang paghuhukay ng tunnel para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Sector Cesar Chavez, base sa umano sa usapan nila sa Tokyo, Japan, sisimulan ang paghuhukay ng tunnel sa Brgy. Ugong, East Valenzuela sa Disyembre […]
-
Ads January 15, 2021