• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA

PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.

 

Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na kagagaling lang sa back-to-back championship sa National Cockers Alliance (NCA) derby, kasama sina three pointer Arnold dela Cruz, Hector Magpantay at Ronnel Pasia.

 

Ang ibang three pointers ay sina Percy Modomo, lawyer Jun Caparroso, Mel Lim, Nelson Uy/Dong Dhung, Boy Gamilla, Mayor Rommel Romano, Boy Tanyag at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

 

May 2.5 puntos naman sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan kasama sina Raymond Velayo, Toto Gregore, Mamad Villarubio, RM Senor Vicente entry, Vic Bilangel at Jong Daed.

 

Ayon kay LGBA president Nick Crisostomo, ihahatag ang COTY series 7-bullstag derby second leg sa Marso 9, 16 at 23. (REC)

Other News
  • Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors

    NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.   Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat […]

  • Ipinagdiinang ‘di pumapatol sa ‘one night stand’: KELVIN, mas gustong ginagastos ang pera na pinaghirapan niya

    PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith.     Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi.     “Ang dami […]

  • Pinas, aangkat ng 21,060MT yellow, red onions para pigilan ang mataas na presyo

    MAY GO SIGNAL na ang  Department of Agriculture (DA) para sa importasyon o pag-angkat ng  21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kalakal sa pamilihan.     Sa isang liham sa Bureau of Plant Industry (BPI)-licensed onion importers na may petsang Enero 6, […]