Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.
Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, nang ipahayag nito ang planong pagdinig ng komite sa naturang usapin.
Muling pinaninindigan ni Cayetano na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na ang usapin sa prangkisa ay eklusibong manggagaling sa Kamara.
“Ang stand ko na paulit-ulit kong sinasabi na malinaw na malinaw sa Konstitusyon, (franchise) shall exclusively originate from the House,” ayon kay Cayetano.
Dahil dito, hindi niya makita ang rason ng Senado sa ginawa nitong pagdinig gayong malinaw sa Konstitusyon na dapat sa Kamara ito magmumula.
Bukod dito, sinambit ni Cayetano na hindi rin kailangang apurahin ang pagtalakay nito dahil hindi naman magsasara ang naturang TV network kahit na mag-expire na ang prangkisa nito sa Marso 30 at ito’y binibigyan niya umano ng kasiguraduhan.
Kaya naman mariing sinabi nito na malinaw lamang na marami lang ang gusto umapel o gumawa ng eksena o sumipsip sa TV network.
“We’ve said from the start the reason why we think it’s important but not urgent dahil hindi naman tayo papayag na there will be a single minute na hindi magbo-broadcast ang ABS-CBN, ang problema maraming gustong umepal, maraming gustong maging part ng discussion, maraming nagpo-propose, panay what if, what if?,” giit pa ni Cayetano.
Ayon pa sa House Speaker, kaya nilang panindigan ang kanilang sinasabing hindi magsasara ang TV network.
“So nung sinabi naming hindi magsasara, ‘yan ang paninidigan namin,” dagdag ni Cayetano.
-
Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi
ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga. Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]
-
TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates
HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan. Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]
-
2,000 ESTUDYANTE NG UDM, NAKATANGGAP NG TIG-P5K TULONG PINANSIYAL
NASA 2,000 estudyante sa kolehiyo ang nakatanggap ng maagang “Pamasko” makaraang maghatid ng P10 milyon halaga ng educational assistance si Senadora Imee R. Marcos sa Universidad de Manila nitong Biyernes, Disyembre 15. Sinalubong ng kapatid ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Liga ng mga Barangay President Konsehala Lei Lacuna si Senadora Imee pagdating […]