• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State-owned banks at panukalang 2021 national budget ang paghuhugutan ng pondo para pambili ng bakuna laban sa Covid -19

SINABI ng Malakanyang na ang mga state-owned banks at ang panukalang 2021 national budget ang magpo-pondo sa pagbili ng Covid-19 vaccines.

 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ang magbibigay ng pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa Covid-19 kung saan ay isasakatuparan sa pamamagitan ng state-run Philippine International Trading Corporation.

 

Ang panukalang 2021 national budget ang magkakaloob ng initial allocation na P2.5 billion para sa pagbili ng Covid-19 vaccines.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay matapos na ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na mayroon ng pera ang pamahalaan para bumili ng bakuna kung saan ay posibleng sa Russia o China.

 

Gayunman, sinabi ng Pangulo na nais niya na magkaroon pa ng mas maraming pera upang matiyak na ang lahat ng mga filipino ay makatatanggap ng bakuna.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na P20 billion ang kakailanganin para mabakunahan ang 20 milyong katao.

 

Prayoridad na mabigyan ng bakuna ay ang mga mahihirap na Filipino at frontliners gaya ng pulis at sundalo.

 

“Hindi po mahuhuli ang mga mayayaman. They can always buy it dahil mayroon naman po silang pera,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • RHIAN, tuluyan nang nagpaalam bilang co-host ni WILLIE at balitang pupunta ng Paris

    TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays.      Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si Ai Ai delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang […]

  • RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados

    IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados.     Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy.   […]

  • ‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’

    HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng […]