Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.
Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22.
Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento ng mamamayan ang mas isinasaalang-alang ang safety o kaligtasan sa epekto ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao, 17-porsiyento naman sa efficacy o bisa ng bakuna, habang walong porsiyento ang nais munang malaman ang country of manufacture o bansa kung saan ginawa ang gamot.
Lumabas din sa pag-aaral na nais din munang malaman ng anim na porsiyento ng mamamayan ang pagpapatotoo ng mga naunang nabakunahan at dalawang porsiyento naman sa layunin ng paggamit nito.
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, kinakailangan muna ng pamahalaan na bigyan ng malinaw na impormasyon at paliwanag ang publiko upang makuha ang tiwala at maging matagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.
“To build trust and confidence in our vaccination efforts, government should provide the public with easily understandable scientifically based information and ensure everyone’s concerns are addressed easily and often,” ayon kay Sorita.
Binigyang-diin naman ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas, ang kahalagahan ng Bio-ethics sa mga vaccination plan, gayundin ang dapat na pagsasaalang-alang sa mga mahihirap na higit na nangangailangan nito.
Inisyatibo ng Radio Veritas ang survey na layong malaman ang mga dahilan at isinasaalang-alang ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.
Sa mga pinuno sa buong mundo, kabilang sa mga naunang nagpabakuna laban sa virus sina US President Joe Biden, Queen Elizabeth at Prince Philip ng Britanya, at sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the XVI.
-
Valenzuelanos hinimok magparehistro para sa COVID vaccine
Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”. Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang […]
-
‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque
Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19. Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021. Ang mga bansang […]
-
Toni, Mariel at Karla, wini-show na magka-show sa AMBS: BIANCA, laglag na talaga at pinalitan ng nanay ni DANIEL
NAGPASALAMAT si Mariel Rodriguez-Padilla kina Toni Gonzaga at Karla Estrada na kung saan nag-dinner sila isang kilalang steakhouse. Sa kanyang IG post, kasama ang mga photos, nilagyan niya ito caption na, “Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121 🥂” Nag-react naman ang mga netizens at followers sa […]