• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-host ng PH sa FIBA Asia Cup qualifiers, kanselado dahil sa travel ban – SBP

Kinansela na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-host ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero dahil sa ipinataw na travel ban ng bansa bunsod ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nakatakda sanang gawin sa bansa ang mga laro ng Group A at C sa ikatlo at huling window ng qualifiers mula Pebrero 18 hanggang 24 sa Clark, Pampanga.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni SBP president Al Panlilio na batay sa natanggap nilang tugon mula sa National Task Force Against COVID-19, wala raw magiging exemptions sa umiiral na travel restrictions na inanunsyo ng Department of Foreign Affairs.

 

 

“The SBP wanted nothing else than to be with the international basketball communuty as it attempts to bounce back in 2021 after taking a huge hit during the pandemic,” saad ng SBP.

 

 

“We’ve exerted a lot of effort into our hosting of the upcoming Fiba Asia Cup qualifiers and this is why it is with great sadness that we announced it is no longer going to happen.”

 

 

Kaugnay nito, umatras na rin ang Japan sa pag-host ng continental meet dahil sa pagsasara ng kanilang bansa sa mga banyaga bilang pag-iingat sa bagong strain ng virus.

 

 

Agad namang nag-alok ang Doha na i-host ang mga kinanselang laro sa Group B sa pamamagitan ng Qatar Basketball Federation.

 

 

Habang hindi pa tukoy sa ngayon ang bagong venue ng qualifiers ng Group A at C. (REC)

Other News
  • Kasama ang buong pamilya ni Cong. Jay: AIKO, sa Japan magpa-Pasko at may nag-iisip kung doon sila ikakasal

    DAHIL sa Japan sila magse-celebrate ng Pasko, may katanungan sa isip ng mga netizens; doon na rin kaya magaganap ang kasalang Aiko Melendez at Jay Khonghun? Taun-taon mula noong nagkaroon sila ng relasyon ay sa ibang bansa idinaraos nina Aiko at Jay ang Pasko, at ngayon nga ay sa Japan ang kanilang destinasyon. Buong pamilya […]

  • Mas ok na walang network exclusive contract: ADRIAN, longevity ang habol at hindi yung palaging bida

    BAGO ang ‘Magandang Dilag’ ay napanood si Adrian Alandy sa ‘Widow’s Web’ ng GMA.     Huli naman siyang napanood sa ABS-CBN sa ‘Kadenang Ginto.’     Tinanong namin si Adrian kung ano ang feeling na isa siya sa mga artistang puwedeng magtrabaho sa lahat ng networks?     “Well, nakakatuwa kasi mas maraming actors […]

  • Pinuno ng Caritas Manila at Radio Veritas, nagpositibo sa COVID-19

    Nanawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas ng panalangin para sa mabilis na kagalingan ng pinuno ng dalawang institusyon ng Simbahang Katolika matapos magpositibo sa COVID-19.     Nabatid sa isinagawang RT-PCR swab test na positibo si Rev. Fr. Anton CT Pascual at ilang opisyal at kawani ng Caritas Manila sa COVID-19.     Kasalukuyang […]