5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.
Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na tatanggap ang Pilipinas ng inisyal na 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech sa kalagitnaan ng Pebrero para sa unang quarter. Nakatakda pang kumpirmahin ang delivery ng kumpanya para sa mga suplay sa mga susunod na quarters ng taon.
Tatanggap din ang Pilipinas ng mula 5,500,800 hanggang 9,290,400 doses ng AstraZeneca vaccine para sa unang dalawang quarter ng taon.
Nilinaw ni Galvez na ang bilang ng bakunang inilaan sa Pilipinas ay “indicative” at magdi-depende pa sa global supply nito.
Una nang binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca para ligtas na magamit na ang kanilang mga bakuna sa oras na may suplay na para sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
PH Alex Eala bumaba ang world rankings bago sumabak sa US Open
Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York. Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit . Ang Filipina sensation […]
-
Malakanyang, ipinag-utos ang suspensyon ng pagtataas sa insurance premiums ng PhilHealth, pagtataas sa sahod
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang suspensyon ng bagong premium contribution rates ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang income ceiling para ngayong taon ng 2023. Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin, patuloy pa rin kasing nakikipagpambuno ang mga Filipino sa mga economic challenges sanhi ng COVID-19 pandemic. […]
-
PHILIP, BATO, GO NAGHAIN NA RIN NG KANILANG COC
SA kauna-unahang pagkakataon ay sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Philip Salvador sa ilalim ng Partido PDP Laban. Si Philip Salvador ay tatakbo bilang Senador matapos pormal na maghain ng kanilang Certificate of Candidacy ngayong araw sa Manila Hotel Tent City. Isa sa plataporma ng aktor ang peave and order […]