• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nagbigti dahil sa depresyon

Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.

 

 

Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangkin babae ng biktima upang umihi.

 

 

Subalit, laking gulat na lamang ng bata nang makita niya ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

 

 

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano.  (Richard Mesa)

Other News
  • LTFRB binalaan ang mga operators at drivers ng EDSA Carousel buses na tumatangap ng bayad

    BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng EDSA Carousel na sumisingil ng bayad sa mga pasahero at kung saan pinaalalahanan din ang mga pasahero na libre ang sakay round the clock sa buong buwan ng December.     Nilinaw ng LTFRB ang tungkol sa issue dahil sa mga nakakarating […]

  • DepEd, maingat na magtatakda ng school break

    SINABI ni Education Secretary Leonor Briones na maingat silang magtatakda ng school break lalo pa’t ang mga estudyante ay nagkaroon na ng anim na buwan na bakasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.   Sa Laging Handa briefing, tinukoy ni Sec. Briones ang epekto ng walang klase sa mga mag-aaral.   “Kung i-extend natin ang bakasyon, we […]

  • Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na […]