Operasyon ng provincial buses, mas lalawak pa sa loob ng linggong ito
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial buses sa loob ng linggong ito.
Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumabyahe patungo sa mga lalawigan.
Kabilang sa kanilang nakatakdang mabuksan ay ang provincial opera- tion na mula Metro manila Patungong Davao city O Vice versa.
Aniya, sa kanyang pakikipag- usap kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay pumayag na itong buksan ang syudad para sa mga biyaherong magmumula sa National Capital Region (NCR) basta’t matiyak lamang na masusunod ang mga minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
Aniya pa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mas marami pang ruta sa mga lalawigan ang mabuksan sa mga susunod na araw. (Daris Jose)
-
SoKor, aprubado na ang halos P30-M na tulong sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa PH
Aprubado na ng South Korea ang $500,000 o katumbas ng mahigit P29 million na tulong para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa Pilipinas. Ang naturang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP). Ayon sa Korean Embassy, magagamit ang naturang pondo para sa recovery o tuluyang pagbangon ng […]
-
Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ
NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito. Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa […]
-
TerraFirma Dyip taob sa Magnolia; bokya pa rin sa PBA bubble
PINADAPA ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang TerraFirma Dyip, 103-89, sa kanilang banggaan sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga. Tila bumangga sa pader ang Dyip sa pagharap sa Magnolia dahil tambak ang inabot nito at hindi nakayanan ang lakas ng opensa at depensa ng Hotshots. […]