• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NOISE BARRAGE NG ANAKBAYAN, IPINATIGIL

IPINATIGIL ang ginawang noise barrage ng militanteng grupong  Anakbayan  sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.

 

Mismong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at barangay na nakakasakop sa lugar ang nagpatigil sa kanilang aktibidad matapos mapag-alaman na walang permit.

 

 

Panawagan umano ng grupo sa grobyerno ang karapatan ng mga mga vendors sa kabuhayan  lalo  na’t  patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

Napag-alaman din na iginiit ng grupo na kasama  sa  aktibidad ang mga vendors ng Trabajo Market para ipaalam ang kanilang hinaing pero napag-alaman na sila-sila lang pala ang magsasagawa ng noise barrage.

 

Ayon naman kay Brgy. 453, Zone 45, Chairwoman Leticia de Guzman, walang permit at hindi niya pinayagan ang nasabing aktibidad ng militanteng grupo kung saan hindi rin tototo na may mga vendors na kasama nila sa noise barrage.

 

Agad din kinausap ni Guzman ang mga vendors para alamin kung may mga pagkukulang ba sa pamamalakad ng pamunuan ng palengke at iba pang hinaing ng mga ito.

 

Ayaw naman umanong paawat ang mga militante kaya napilitan silang paalisin ng mga awtoridad dahil nagdudulot na ito ng perwisyo sa daloy ng trapiko at hindi na rin nasusunod ang inilatag na health protocols. (GENE ADSUARA)

Other News
  • MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

    NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.     Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila […]

  • Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo […]

  • Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo

    Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.     Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at […]