• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila – PAGASA

Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan.

 

 

Ito ang pahayag ng Pag­Asa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31.

 

 

Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, ang lamig na dala ng hanging amihan ay aabot pa hanggang sa 2nd o sa 3rd week ng Pebrero sa Metro Manila lalo na sa Baguio .

 

 

Ang panahon ng amihan ay pumasok sa ating bansa simula noong Nov. 2020 .

 

 

Sa tala ng PagAsa, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City  ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may  60 taon ng nakalilipas.

 

 

Bukod sa malamig na panahon, ang amihan ay nagdadala rin ng pag-ulan. Inulan naman sa pagpasok ng Pebrero ang  Eastern Visayas, Caraga, at Davao  Region dahil sa amihan. (Daris Jose)

Other News
  • Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas

    TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig […]

  • Mga COVID-19 vaccines na iligal na ibinibenta ‘di puwedeng gamitin – FDA chief

    Hindi na puwedeng gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na nakumpiska mula sa mga iligal na nagbebenta nito kamakailan.     Sinabi ito ni Food and Drugs Administration director general Eric Domingo kahit pa napatunayan namang genuine ang mga nakumpiskang bakuna.     Iginiit ni Domingo na walang katiyakan na maayos ang handling sa mga […]

  • Maging positibo pa rin – Gaston

    SIYAM na buwan sa buwang ito ang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 na pumerwisyo sa mundo sapul noong Marso ng taong ito.   Pero hindi pinanghihinaan  ng kalooban si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, 23-anyos, dalaga at may taas na 5-10.   Sa Instagram account post […]