• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE

TATLONG  ospital sa National Capital Region (NCR) ang  tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.

 

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital  kabilang ang UP-Philippine General Hospital,  Lung  center of the Philippines at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital ang unang mabibigyan ng bakuna kontra Covid-19.

 

Nilinaw ng kalihim na uunahin ang buong ospital hindi lamang ang health care worker kundi ang maging ang admin staff .

 

Nais ng kalihim na ma-preserve ang institutional safety sa halip na indibidwal .

 

Ayon pa sa Kalihim, kailangan mabigyan ang buong institusyon ng bakuna dahil kung hindi mababakunahan lahat ay hindi makakapagtrabaho ang mga medical workers .

 

Kaugnay nito, tintiignan din ng kalihim ang Davao at Cebu City  dahil  mataas din ang kaso ng  sakit . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo

    KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para […]

  • 249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

    Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.     Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.   Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na […]

  • Ex-VP Noli de Castro, umatras na sa senatorial race

    Babalik na lamang sa broadcast industry ang beteranong mamamahayag at dating vice president na si Noli de Castro.     Ito ang nilalaman ng statement ni De Castro (Manuel Leuterio de Castro, Jr.) na ipinaabot niya sa kampo ni Manila Mayor Isko Moreno.     Magugunitang naghain si Kabayan ng certificate of candidacy (CoC) noong […]