• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pa hinog comment vs Sotto, pinalagan

HINDI nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.

 

Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media.
@mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? Plus hes only 17! Hes got plenty of time. The fact hes there says plenty”

 

Ang 6-foot-4 Fil-Am center forward na si Peek ay isang PBA journeyman na naglaro sa pro league noong 1998-2014.
Assistant coach na siya sa kasalukuyan ng College of Saint Benilde Blazers sa National Collegiate Athletic Association.
Nanatili namang walang kibo si Sotto, maging ang kampo niya.

 

Una nang sinabihan na hilaw pa si Sotto para sa malaking entablado, ayon sa isang eksperto sa players draft.
May mga napahanga sa pagsali ng 7-foot-2 Pinoy teenager sa 6th Basketball Without Borders global camp 2020 na ikinabit sa 69th NBA All-Star Weekend 2020 sa Chicago sa nakalipas lang na linggo, pero may kulang pa sa kanyang abilidad at tikas.

 

Kasama ng Pinoy cage phenom sa pagtitipon ang 63 iba pang high school standout mula sa 34 na bansa.
Nalabnawan pa si Jonathan Givony ng ESPN, sa ipinakitang laro ni Sotto. May potensiyal aniya ang 17-anyos na si Sotto sa drill, pero nawawala pa sa mismong laro.

 

“His performance at the BWB camp was somewhat inconsistent, as he looked like one of the most talented prospects in attendance in the morning drills each day but struggled to make his presence felt in the games,” suma ni Givony sa kanyang pananaw sa BWB.

 

Pinapurihan din ni Givony ang mga galaw ni Sotto sa post na kayang umatake kaliwa’t kanan, mahusay ang ball handling, court vision at may jumper hanggang labas ng arc.

 

Pero pinunto nito na marami ang nakapuna kay Sotto sa mga stint niya sa FIBA World Cup Under-17 at U19.
Bata pa rin naman aniya si Sotto, mahaba pa ang pagkakataon para umangat. Sa pinapakita niyang sipag sa trabaho at dedikasyon, makukuha niya ang ginugusto.

 

Sigurado, mapapangatawanan niya ang pagiging bukas ng Pinoy hoops. (REC)

Other News
  • Manila Zoo gagamiting bakunahan sa mga bata, seniors

    HABANG  hindi pa ­ganap na binubuksan para sa publiko, gagamitin muna bilang ‘vaccination site’ para sa mga senior citizen at batang may edad 5-11 taong gulang sa pag-uumpisa ng bakunahan sa natu­rang age group sa unang linggo ng Pebrero.     Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno na pinaka-ideal na lugar ang Manila Zoo […]

  • BARANGAY NA WALANG COVID CASE NG 2 MONTHS, MAY P100K KAY YORME ISKO

    BIBIGYAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng P100,000 insentibo ang barangay na hindi magkakaroon ng COVID19 sa loob ng susunod na 2 buwan.   Ayon kay Moreno, ito ay kung mapapanatili nilang COVID19 free ang kani-kanilang barangay mula Setyembre 1 hanggang Oktubre 31,2020.   Sinabi ni Moreno na naglaan sila ng P89.6 milyong […]

  • Overseas absentee voting larga na

    UMARANGKADA na kamakalawa ang ‘overseas absentee voting’ para sa Halalan 2022 na inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sasamantalahin ng mahigit 1.6 milyong nakarehistrong botante.     Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga rehistradong botante sa abroad ay pipili ng presidente, bise-presidente, mga senador at party-list groups.     Ayon sa […]