• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Adik na mister kinasuhan, misis kinatay

HINDI umobra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos tuluyan itong patahimikin nang pagsasaksakin ito sa loob ng kanilang silid, iniulat kahapon (Miyerkules) ng umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, at kapwa residente ng Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan.

 

Batay sa report ng Sta Barbara Police Station, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng mag-asawa sa nasabing lugar.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto na nauwi sa pananaksak na ikinamatay ng biktima.

 

Kwento ng mga anak ng biktima, narinig pa nilang nag-aaway ang kanilang mga magulang subalit makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang tumahimik.

 

Lumabas sila ng kanilang silid para alamin ang nangyari pero nakita na nila ang ama na duguan ang mga kamay at naghuhugas habang ang kanilang ina ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

 

Kaagad naman humingi ng tulong sa awtoridad ang mga anak pero mabilis na tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo.

 

Nabatid na kinasuhan ng biktima ang suspek ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) dahil sa pananakit sa kanya, subalit nakakapunta pa rin ito sa kanilang bahay.

 

Ayon pa sa pulisya, isa sa mga drug personality si Loresco sa bayan ng Sta. Barbara.

Other News
  • Umento ng government workers matatanggap na

    MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.   Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.   Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal […]

  • 4 na tulak timbog sa shabu at damo

    APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. […]

  • Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers

    NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.     At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.     “Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung […]