• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ateneo student, tumalon mula sa 9th floor ng gusali

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ang isang kolehiyala ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Lunes ng umaga.

 

Sa report ni PMSG Julius Balbuena, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-11:10 ng umaga (Pebrero 17) nang maganap ang insidente sa harapan ng Chachago Milk Tea na matatagpuan sa No. 29 F. Dela Rosa St., Barangay Loyola Heights, QC.

 

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng Regis Center sa Katipunan Avenue, Loyola Heights ang Ateneo student, base sa nakuhang school ID sa katawan nito.

 

Batay sa pahayag sa pulisya ng nakasaksing si Eloisa Bondocan, supervisor ng Chachago Milk Tea, nakatayo siya sa labas nang makita niya na may bumagsak sa nakaparadang Toyota FJ Cruiser na may plakang CAF 2385 at pagkatapos ay tumilapon sa semento.

 

Nang kaniyang alamin kung ano ang bumagsak ay nakita niya ang katawan ng isang babae na umaagos na ang dugo sa ulo at halos magkalasog-lasog ang katawan kaya agad siyang humingi ng saklolo sa kaniyang mga kasamahan.
Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Other News
  • Sultan Kudarat ‘buhay na pruweba’ ng ‘Unity at Work’ – PBBM

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang provincial government at mga residente ng Sultan Kudarat para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa pamamagitan ng ‘unified efforts.’     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa Sultan Kudarat Sports and […]

  • Grab driver, 1 pa kulong sa P136K shabu sa Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang grab driver ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Vhal […]

  • Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site

    Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site.     Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan […]