• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China

Inanunsyo ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.

 

Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa merkado.

 

Ang naturang gamot ay na-develop ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na puwede nang ibenta ng National Medical Products Administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.

 

Ang Zhejiang province ay merong kaso ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

 

Iniulat naman ng Ministry of Science and Technology ang Favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials.

 

Samantala, umakyat na ang bilang sa mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 1,770 habang mahigit naman sa 71,000 ang nagkasakit mga iba’t ibang panig ng mundo. (Daris Jose)

Other News
  • Na-sad din sa last shooting day ng MMFF movie: SHARON, sobrang na-touch sa pagiging thoughtful ni ALDEN

    SOBRANG na-touch si Sharon Cuneta sa ka-sweet-an ni Alden Richards.   Sa last shooting day ng kanilang MMFF entry na ‘A Mother and Son’s Story,’ binigyan ni Alden si Sharon ng white orchids.   Mababasa sa kanyang sweet message sa kasamang card…   “Mama, “It’s our last day… I’m very blessed have known you. “Thank […]

  • Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!

    NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID.   Ang RFID sticker ay kailangan lang […]

  • Nalaman ang sad news bago ang ‘renewal of vows’: HEART, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ‘baby girl’ sana nila ni Sen. CHIZ

    SA interbyu ni Kuya Boy Abunda sa programang hosted by the King of Talk ay inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang naramdamang kalungkutan dahil sa pagkawala ng anak nila ni Sen. Chiz Escudero.  Itinuring na nga ni Heart na isang angel ang supposed to be panganay na anak nila.  “Actually we are […]