Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID.
Ang RFID sticker ay kailangan lang kapag dadaan sa mga tollways. Kung hindi ka naman dadaan ay hindi kailangan na may RFID sticker ang sasakyan mo at hindi ka dapat hulihin. At sa pagsapit ng Disyembre 2, 2020, ay maaari ka pa rin mapakabit ng RFID dahil walang deadline ang pagpapakabit. Ang deadline lang ay dahil hindi na tatanggap ng cash sa tollway.
Pero sana bago pagdiskitahan ang walang RFID sa tollway ay AYUSIN muna ang mga CONCERNS ng mga motorista. Isa dito ay ang interoperability ng mga RFID stickers. Magkaibang dambuhalang negosyante ang may kontrata ng mga tollway kaya tuloy iba ang sticker ng bawat isa. Dapat din tingnan ng DoTR ang mga hinaing ng mga motorista tungkol sa RFID tulad ng late activation; ang pagkain ng load ng kanilang stiker; hindi pagbasa ng stiker sa mga tollgate; at marami pang iba. Nauunawaan natin na dahil bago pa lang ang RFID system dito sa atin sa Pilipinas ay may mga problema pang dapat ayusin. Kaya naman dapat hindi muna panghuhulo ng violations ang atupagin kundi ang mga problema na idinudulog ng mga motorista tungkol sa bagong sistema na ito. Kung may deadline ang DoTR sa nga motorista dapat ay may deadline din sila sa kanilang sarili sa pag-aayos ng sistema ng RFID bago pa man ang hulihan.
Huli huli agad? Kaya tuloy nahuhuli tayo sa pag-angat. Kaya ang tanong – kailan ang deadline ng DoTR na maayos ang sistema ng RFID? (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
2021’s “Dune” Returns to PH IMAX Cinemas Starting February 7, With a Special Sneak Peek of New “Dune: Part Two”
THE desert calls. Return to the world of Dune before watching one of the most exciting sequels of the year. Dune returns exclusively to IMAX starting February 7. This is your chance to experience Denis Villeneuve’s first Dune film the way it was meant to be seen. This special experience also includes a sneak peek […]
-
Ads September 22, 2021
-
NBA SEASON TIKLOP, GOBERT POSITIBO SA COVID-19
HINDI na rin nakaligtas ang National Basketball Association (NBA) sa bilis ng COVID-19. Sinuspinde na rin ng liga, “until further notice”, ang lahat ng mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap ng coronavirus disease na tinagurian ngayong pandemic. Ang nakakagulat na hakbang ng pamunuan ng NBA ay matapos na ipatigil […]