• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Slaughter, Badua asaran sa Twitter

MALABO pa yatang matapos ang parang away-bata nina Philippine Basketball Association (PBA) star Greg Slaughter at netizen Edmond ‘Snow Badua sa social media na nagkaasaran sa ratratan nila gamit ang Twitter.

 

Inis ang Barangay Ginebra San Miguel slotman sa pagkakabitin ng kanyang playing career, walang bagong kontrata tatlong linggo na lang bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup 2020.

 

Nakatakdang pumailanlang ang naurong pang all-Pinoy conference ng pro league sa darating na Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Inihayag sa nakalipas na linggo ni Gregzilla na magbabakasyon muna siya sa paglalaro nang mabatid niya na nasa trading block siya para kay NorthPort center Christian Standhardinger.

 

Pakiram ng 31-anyos, may-taa na 7-foot na Fil-Am cager, sa halip na damayan siya nang maraming kaaway sa socmed na si Badua, pambubuska pa aniya ang inabot niya.

 

“Comeback stronger, Greg. I heard they are throwing the PBA book on you, which means you can be banned forever. I hope I don’t one day see you in the same club where Calvin (Abueva) and I are currently in. Defer your leave of absence and let’s see what happens.You’re one of my idols,” tweet ni Badua sa Gin Kings center.

 

Agad namang tumugon nang mala-Game of Thrones reference tweet ang sentro matapos maglabas ng litratong may caption na ‘You know nothing, Jon Snow’ isang quote mula sa series na Game of Thrones.

 

Pero hindi pa roon natapos ang lahat.

 

Muling rumesbak si Snow kay Greg nang maglabas naman ng litrato ni Barneys na malungkot na nagmumukmok sa isang sulok at may caption na “They say I’m a clown” bilang bira balak na maagang pagku-quit ni Greg sa unang ligang propesyonal sa sport sa Asya at ‘Pinas.

 

Nakaaway din sa socmed sa nagdaan lang na linggo ni Badua si Talk N’ Text player Bobby Ray Parks Jr.
Hay naku Mons (Badua) tigilan mo na ‘yan. Dumarami na ‘bespren’ mo. Sige ka.

Other News
  • DOH: Siling labuyo, hindi gamot sa dengue

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.       Inihayag ito ng DOH matapos mag-viral ang isang social media post na nagsasabing ang siling labuyo ay mahusay na panlunas sa naturang karamdaman, na nakukuha sa kagat ng lamok.       Sa isang abiso, sinabi ng DOH […]

  • 9K pulis ikakalat sa 1,106 checkpoints sa ‘NCR Plus’

    Magpapakalat pa ng karagdagang 9,356 pulis ang Philippine National Police sa mga quarantine control checkpoints na sakop ng NCR Plus bubbles.     Sa ginanap na press conference, sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Binag, papa­rahin sa 1,106 checkpoints sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang mga motorista […]

  • P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili

    MAAARING  manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP).     Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB).     Idinagdag pa ni Angara […]