• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.

 

Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan segment – kung saan magsisilbi itong alternate corridor para sa mga motoristang papunta sa port area mula NLEx.
“This inspection is in preparation for the opening of the C3 to Dagat-Dagatan portion, which is about 1.2 kilometers. We are making sure that all the safety features of the expressway are in place before we open it to the public,” ani Villar, at sinabing handa nang magamit sa Marso 2020 ang kabuuang 2.6 kilometro ng C3-R10 Section.

 

Magsisimula ang NLEx Harbor Link C3-R10 Section sa Caloocan Interchange, C3 Road, Caloocan City hanggang Radial Road 10, Navotas City, na kokonekta sa kakabukas lang na 5.65-kilometer NLEx Harbor Link Segment 10 na dadaan sa Karuhatan, Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City at 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City.

 

Inaasahan ang proyekto na magpapabawas sa oras ng biyahe mula Port Area hanggang NLEx sa loob lamang ng 10 minuto at magbibigay ng direct access para sa mga commercial vehicles, lalo na ang mga mabibigat na truck.

 

“We are anticipating that truckers and freight forwarders will greatly benefit from this new road since their cargo trucks will have 24/7 access, and in turn translate to faster delivery of goods to and from the provinces in North and Central Luzon,” pahayag naman ni NLEx Corp. chief operating officer Raul Ignacio.

 

Bahagi ng “Build Build Build” ng administrasyong Duterte ang programa. Nakikita naman ang NLEX Harbor Link upang mabawasan ang traffic congestion at maging daanan ng mga sasakyan na ginagamit sa hanap-buhay sa Harbor area at sa mga lugar sa Central at North Luzon.

 

Ito ay may intensyong i-advance ang transport logistics at magsisilbing alternative route para sa mga motorista, lalampas sa EDSA at sa iba pang mataong daan sa Maynila.

Other News
  • UniTeam, “still vibrant, still working”-PBBM

    “STILL vibrant, still working”!     Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.     “Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.     […]

  • PH, nakapagtala ng ‘biggest trade deficit’ mula ng nakalipas na 5 buwan

    LUMAWAK  pa ang trade deficit sa $5.74 billion noong Enero ng kasalukuyang taon matapos na malampasan ng importasyon ang exports ng bansa base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).     Ito ang biggest trade deficit mula noong agosto ng nakalipas na taon na nakapagtala ng monthly deficit na $6 billion.     […]

  • Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon

    NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis.   “Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir […]