• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, may sapat na kakayahan para gamutin ang mga posibleng tamaan ng UK variant ng Covid -19

TINIYAK ng Malakanyang na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit o mahahawaan ng UK variant ng Covid -19.

 

Ito ang dahilan ani Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binawi na ng gobyerno ang travel ban sa ilang mga bansa na una nang nakitaan ng bagong variant ng virus.

 

Aniya, sapat din aniya ang mga protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng mga lokal na pamahalaan kung saan makaraan ang limang araw na quarantine ng mga pumapasok o umuuwi ng Pilipinas ay saka sila magpapa-test at isasailalim sa 14 na araw na mandatory quarantine.

 

Aniya pa, nagpatupad lamang ng travel restriction sa ilang mga bansa na mayroong new variant, dahil kinakailangan munang masiguro na mayroong kumpletong kakayahan at kaalaman ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit.

 

Samantala, binigyang diin ng Malakanyang na hindi lahat ng mga dayuhan ay puwedeng makapasok ng bansa kasunod ng ginawang pagbawi ng gobyerno sa ipinatupad nitong travel ban sa mahigit tatlumpong  (30) bansa na nakitaan ng UK variant ng Covid-19.

 

Kabilang lamang sa mga dayuhang pinapayagan na makapasok ng Pilipinas ay iyong mga mayroong hawak na treaty trader’s visa at investor’s visa.

 

Ani Sec. Roque, base sa datos ng gobyerno, kakaunti lamang ang bilang ng mga foreigners o dayuhan na may hawak ng ganitong uri ng mga visa.

 

Giit ng Kalihim, hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno na pumasok ng Pilipinas ang mga turistang dayuhan. (Daris Jose)

Other News
  • 11 sangkot sa Dacera case, pipigain ng NBI

    Isasalang ngayong araw sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang 11 personalidad na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.   Ito ay makaraang matukoy ng NBI ang pagkakakilanlan sa 11 katao na pinadalhan na nila ng subpoena, na huling nakasama ni Dacera […]

  • Ads October 8, 2022

  • NLEX nakuha ang unang panalo matapos ilampaso ang NorthPort 102-88

    NAITALA ng NLEX Road Warriors ang unang panalo matapos tambakan ang NorthPort 102-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.   Naging bida sa panalo si Kiefer Ravena na nagtala ng 25 points, limang rebounds at apat na as- sists sa laro na ginanap sa AUF Sports and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.   Nag-ambag naman […]