Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound dito kaninang umaga.
May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Kabataan, Ama ng Kabuhayan at Kaalaman”, binuhay ng mga Bulakenyo ang dakilang buhay ng ‘Ama ng Overseas Employment’ sa isinagawang unang bahagi ng programa.
Inalala rin ni Fernando ang mga ginawa ni ‘Ka Blas’ sa kanyang panahon at kung paano niya inialay ang kanyang buhay sa serbisyo.
“Binago niya po ang kahulugan ng pagiging pulitiko at lingkod bayan. Siya ay hindi kailan man naging gahaman sa kapangyarihan at siya ang naglingkod ng tahimik at buong kababaang loob hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay,” anang gobernador.
Sinundan ito ng seremonya ng opisyal na pagpuputol ng laso ng tatlong palapag na PESO building na may training rooms at lecture at conference rooms na nagkakahalagang P20 milyon na magbibigay ng iba’t ibang kasanayan, kabuhayan at trabaho sa mga Bulakenyo.
Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal, pinuri ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre H. Bello III ang PESO Bulacan para sa kanilang pagnanais na palawigin ang kanilang serbisyo at hinamon sila na magkaroon pa ng mas mahusay na oportunidad para sa mga Bulakenyo.
“Labis kong ikinagagalak na hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin natitinag ang inyong kagustuhan na palawigin ang kalidad ng inyong pagsisilbi sa publiko. I challenge the Provincial PESO to push forward with the full institutionalization of the demeaning LGU-based public employment service offices in your province as we ascend in the new and better normal and journey towards bridging quality employment opportunities for all,” ani Bello.
Sinabi rin ng gobernador na mahalaga ang araw na ito para sa pagkakamit ng bagong tagumpay para sa lalawigan.
“Isa rin itong mahalagang araw para sa pagpapasinaya ng ating bagong PESO Building dito sa ating lalawigan. Makahulugan po ang araw na ito dahil ito ay katuparan ng isa sa mga hangarin ng ating Pamahalaang Panlalawigan tungo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.
Si Ople ay isang kampeon ng International Labor, tagabuo ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangulo ng senado mula 1999 hanggang 2000 at kalihim ng Ugnayang Panlabas mula 2002 hanggang sa kanyang pagkamatay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Dela Pisa desididong manalo ng gold medal
PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2. Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa. Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos […]
-
Pilipinas, tinintahan na ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine
TININTAHAN na ng Pilipinas ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American firm Novavax. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naging maganda ang resulta ng pagbiyahe sa India noong isang linggo. Doon aniya ay napirmahan na ang supply agreement kung saan ang Serum […]
-
Ads May 20, 2022