• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub

INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

 

Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of the Year at two-time scoring champion.

 

 

Kinalkal ng lima-katao na trade committee ang dokumento, nagkaroon ng pagbabago bago ipinasa sa mesa ni Marcial para lagdaan.

 

 

“PBA approves CJ Perez trade from Terrafirma to SMB for 3 players, 2 first round picks,” kumpirmasyon ng professional hoop league.

 

 

Naging kapalitan ng 27-anyos, 6-2 ang taas na guard/forward para sa behikulo sina Matthew Allen Ganuelas-Rosser, Russell Escoto at Joshua Angelo Alolino at dalawang first-round picks – No. 8 ngayong 2021 at isa pa sa 2022 ng serbesa.

 

 

Idinahilan ng sasakyan na ang 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14 ang mainam na gagamitin nila upang makakuha pa ng kailangang pieya bukod pa sa first round, top pick overall na pribilehiyo sa ikatlong sunod na taon .

 

 

Unang hugot ng Dyip si Roosevelt Adams noong 2019. Walang draft nitong 2020 dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’

    MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano.    Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]

  • Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends

    HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang […]