Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.
Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong Miyerkoles ni Fernandez, na pokus sa usapan nila Tolentino ang nalalapit na kompetisyon at kahilingan sa gobyerno na makapag-bubble training na rin ang mga atleta.
Aminado ang CDM na blangko pa siya sa sports at events at playing venues, bilang ng mga manalalarong bubuo sa pambansang delegasyon at ang magiging paghahanda ng ‘Pinas na pangkalahatang nagtatanggol na kampeon.
Sa ngayon, top three finish ang pinupuntirya ng PSC at POC para sa bansa sa nakatakdang palaro. (REC)
-
Ads October 16, 2020
-
Daily attack rate ng COVID-19 sa NCR, bumaba na – OCTA
BUMABA sa 93.82 percent ang average daily attack rate (ADAR) ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Gayunman, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Reserch Team na bagama’t bumaba ang ADAR ay nananatili pa ring nasa severe level ang NCR sa ngayon. Ito ay indikasyon anya na ang NCR ay […]
-
WHO nagsagawa ng emergency meeting dahil sa mga bagong variants ng COVID-19
Nagsagawa ng emergency meeting ang World Health Organization (WHO) para talakayin ang banta nang mabilis na pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus. Ito ay matapos na napilitang magpatupad ng panibagong mga restrictions ang iba’t ibang bansa na nakakaranas nang pagsirit ng COVID-19 cases bunsod nang mutation ng virus. Kadalasan kada tatlong buwan […]