• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KISSES, may plano na mag-join sa Miss World Philippines 2021

MAY plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021. 

 

 

Kaya naman excited ang kanyang mga fans and followers sa balitang ito. Alam kasi nilang bago pa nag-join si Kisses sa Pinoy Big Brother noon, beauty queen na siya sa kanilang province sa Masbate.

 

 

Bagay daw kay Kisses ito dahil ngayon pa lamang may advocacies na siya sa pagtulong sa kanyang mga kapwa, tulad nang pagtulong niya nang magkaroon ng malakas na lindol noon at naapektuhan ang mga kababayan niya sa Masbate.

 

 

Kaya wait na lamang ang mga fans ni Kisses sa announcement ng kanyang agency.

 

 

***

 

 

NGAYONG babalik na ang Bida Kids singing competition na Centerstage, nawala na ang pag-aaalaala ng host nito na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na baka hindi na ito ituloy ipalabas ng GMA Network.

 

 

Aware kasi si Alden na bawal lumabas ang mga bata, lower than 15 years old, na siya pa namang age ng mga contestants ng show, bilang isang health protocols.

 

 

Kaya nagpasalamat siya nang malaman niyang tuloy na ito at magpi-perform na lamang ang mga bata sa kani-kanilang tahanan, sa tulong ng production team ng show, sa pamamagitan ng virtual  set na itinayo para sa show.

 

 

Kahit ang co-host ni Alden na si Betong Sumaya at mga judges na sina Soul Diva Aicelle Santos, musical director Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez ay natuwa nang malamang tuloy na ulit ang airing ng Centerstage.

 

 

“Iyon nga lamang hindi na namin sila makakausap nang personal,” sabi ni Alden.

 

 

“Alam naming umaasa ang mga bata na matutupad din na muli nilang ipakita ang kanilang talent, kaya mabuti na lamang at GMA found a way.”

 

 

Mapapanood na ang Centerstage simula sa Sunday, February 7 sa GMA-7 pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

 

 

      ***

 

 

NASA 33rd weeks of pregnancy na si international singer-stage actress Rachelle Ann Go-Spies at sa latest vlog niya, nai-share niya na naghahanda na siya sa nalalapit niyang pagsisilang sa first baby nila ng asawang si Martin Spies. 

 

 

Thankful si Rachelle sa kanyang pagbubuntis na hindi siya nakaranas ng kung anu-anong pinagdadaanan ng isang naglilihi. Hindi siya nag-crave ng kung anu-anong pagkain, basta mahilig daw lamang siyang kumain nang kumain.

 

 

Ready na rin siya sa delivery ng kanilang baby, pero ang dasal niya sana ay hindi siya magsisilang by caesarean section. Regular daw naman siyang pinupuntahan ng midwife niya sa house nila in London for check-up.

 

 

Ipinakita rin ni Rachelle ang mga gamit ng magiging baby nila na sina-shopping na nila ngayon ni Martin, may isang baby crib doon na gagamitin sa gabi para makasama nila sa bedroom nila ang anak, biro niya ‘tiny’ lang kasi ang room nila at hindi kasya ang malaking crib.

 

 

Tinatapos pa rin daw nila ni Martin ang nursery room ng baby at ipakikita niya ito sa susunod niyang vlog.  Secret pa ang gender ng baby na isisilang niya by March. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • SRP sa mga basic necessities at prime commodities hindi magkakaroon ng pagbabago – DTI

    WALANG inaasahang paggalaw sa presyo ng mga basic necessities at prime commodities na nasa ilalim ng suggested retail price (SRP) na binabantayan ng Dept of Trade and Industry (DTI).     Sinabi ni DTI Usec Ruth Castelo na bagaman may mga manufacturer na humihiling na magtaas sila ng presyo sa kanilang mga produkto, binigyang diin […]

  • Ads January 28, 2022

  • Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

    WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.   Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.   Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para […]