• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Debut ni Kai Sotto sa Gilas team nakatakda na sa Feb. 18 vs Korea

Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ngayon ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Al-Gharafa Sports Club Multipurpose Hall sa Doha, Qatar.

 

 

Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang mahigpit na karibal na Korea sa February 18 alas-10:00 ng gabi.

 

 

Kabilang sa makakasama sa line up ni Sotto ang mga PBA veterans na sina Kefeir Ravena at CJ Perez gayundin ang mga Gilas cadets na sina Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, at Justine Baltazar.

 

 

Ang ikalawang game ng Philippines ay kontra naman sa Indonesia sa Feb. 20.

 

 

Sa Feb. 22 naman ang ikalawang banggaan ng Gilas at Korea.

 

 

Kailangan lamang ng isang panalo ng Pilipinas sa tatlong games para mag-qualify sa 2021 Fiba Asia Cup na gaganapin naman sa Indonesia sa buwan ng Agosto.

 

 

Nito lamang nakalipas na araw ay dumating sa bansa si Kai Sotto at hindi.na ipinagpatuloy ang paglalaro sa NBA G-League sa Amerika para lamang makasama sa Gilas Pilipinas.

Other News
  • Tropa ni LeBron niresbakan ng Heat

    Sa kanilang NBA Finals rematch matapos ang apat na buwan ay niresbakan ng Miami Heat ang nagdedepensang Lakers, 96-94, tampok ang 27 points ni guard Kendrick Nunn.     Tumipa si Jimmy Butler ng 24 points at 8 rebounds para sa Miami (13-17) habang humakot si center Bam Adebayo ng 16 mar­kers at 10 boards. […]

  • Malakanyang, umapela sa publiko na hayaan na magdesisyon si PDu30 sa isyu ng WPS

    UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na hayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na plantsahin sa pribadong pamamaraan ang isyu ng di umano’y pagsalakay ng China sa West Philippine Sea (WPS).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang diplomatic negotiations ay nasa ilalim ng listahan ng exceptions ng Executive Order (EO) 2, o mas kilala […]

  • Ombudsman kinuwestiyon ang DA at FTI sa pagbili ng mahal na sibuyas

    HININGI ng Office of the Ombudsman ang ­paliwanag ng mga opis­yal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na ­presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba.     Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais niyang malaman ang katwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas […]