‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one seat apart.
“Pag tinignan natin, parang hindi naman natin in-ease yung mea- sure, itong paggagawa ng one seat apart,” wika ni Vergeire.
“So, kailangan lang po magkaroon ng message na mas maayos at mas maliwanag para sa ating mga kababayan, kaya ginamit ang one seat apart.”
Bagama’t hindi pa malinaw kung pasok pa rin sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) ang one-seat-apart rule, tiniyak ni Vergeire sa publiko na hindi magpapatupad ang pamahalaan ng patakaran na makasasama sa kalusugan ng publiko.
“Hindi po natin tinanggal na dapat merong distance between and among passengers in a specific transport vehicle. Ang ating ipapaliwanag at gustong iparating sa lahat ng ating mga kababayan, kailangan lang talaga mag-minimum health standards tayo,” ani Vergeire.
Nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na magsuot ng face masks at face shields, at bawal na bawal din ang pagkain at pagsasalita sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
“And of course, we remind the owners or the Department of Transportation to strictly enforce itong ventilation systems na pinalabas po natin para mas makaiwas pa tayo sa impeksyon,” dagdag nito.
Una nang nilinaw ng Malacañang na hindi pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga buong gabinete na “one seat apart policy” sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na payagan na ang isang upuang pagitang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Sec. Roque, saka pa lamang magiging epektibo ang nasabing pagluluwag sa public transport kung na-comply na ang publikasyon.
Maliban sa paglalathala sa official gazette, kailangan pa umanong bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
-
Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG
WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see […]
-
MAMAMAYAN, HINIMOK NA MAKIISA SA CATHOLIC E-FORUM
HINIMOK ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan lalo na ang mga botante na makiisa sa isinagawang voters education ng simbahan na One Godly Vote na Catholic E-Forum. Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs, layunin ng talakayan na bigyang kaalaman ang publiko […]
-
Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]