• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust

Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 Demitillo Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

Dakong alas-2 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa pamumuno ni P/Col. Ortega ng buy bust operation sa bahay ng mga suspek.

 

 

Nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba habang narescue naman ang dalagitang estudyante.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, 3 cellphones at P470 cash.

 

 

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensice Dangerous Drug Act of 2002 habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad. (Richard Mesa)

Other News
  • Walang trabaho sa bansa lumobo sa 2.15 milyon

    LALONG tumaas ang unemployment rate ng bansa patungong 4.5% kasabay ng pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong Enero, ayon sa pinakabagong datos ng gobyerno.       Mas mataas na kawalang trabaho at underemployment ito kumpara noong Disyembre, na siyang nasa 3.1% at 11.9% bago magtapos ang 2023.       “In terms of […]

  • Japan, magpapalabas ng karagdagang 20 billion yen loan para sa PH COVID-19 response

    PINAG-USAPAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, araw ng Miyerkules ang napipintong pagpapalabas ng JY20 billion ( P9 billion) Post-Disaster Standby Loan sa Pilipinas, ang kalagayan ng subway at railway projects sa Metro Manila at ang agresibong aksyon ng China sa South China Sea.   Ayon sa overview na ibinigay […]

  • SINAS, MOST TRUSTED NI PDU30 – Sec. ROQUE

    SI National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Major Gen. Debold Sinas ang itinuturing na ‘most trusted’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t itinalaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).   Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang kalamangan ni Sinas sa ibang kandidato sa puwesto.   “Let’s just say that […]