• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIMULATION, GAGAWIN SA AIRPORT

MAGSASAGAWA   ng simulation sa  airport  ang Department of Health (DOH) bukas  kasama ang tatlong malalaking ospital bilang paghahanda sa darating na mga bakuna na dadalhin sa mga storage  facility o  vaccine hub.

 

Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, mula sa paliparan dadaan sa clearance mula sa Bureau of Customs (BOC) bago ito ilabas kung saan may naghihintay nang transport vehicles na nakatalaga.

 

Sinabi pa nito na sa ginagawang plano aniya ngayon para sa simulation bukas ay 20 minutes ang pag-transport  mula sa  Ninoy Aquino Internationl Airport (NAIA)  hanggang sa Resaserch Institute and Management  Technology (RITM) warehouse o central hub.

 

Pagdating naman sa RITM ay kailangan itong inspeksyunin matapos ma-receive  upang malaman kung may nagbago sa temperature ng bakuna dahil mahalaga umanong mapanatili ang potency ng bakuna bago ito ilagay sa storage at kasunod na nito ang preprasyon.

 

Mula naman sa RITM, dadalhin naman ang mga bakuna sa mga regional warehouse na siya namang magdidistribute sa iba’t ibang local government units .

 

Ang LGUs naman ang siyang magdidistribute sa mga vaccination sites.

 

Dagdag pa ng opisyal,  iba-iba ang magiging proseso  sa bawat  klase ng bakuna na may iba’t-ibang storage  requirement . (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Proud na rumampa sa Cannes, France kasama ang pamilya: ‘Cattleya Killer’ nina ARJO, first Filipino drama na pinalabas sa MIPCOM

    DUMALO ang award-winning actor and first-termer bilang Representative ng Quezon City District 1 na si Arjo Atayde para sa international premiere ng ABS-CBN’s six-part drama series na “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, France.   Ang MIPCOM (Marché International des Programs de Communication), o ang International Market of Communications Programs, ay isang taunang trade show na […]

  • Eleazar pinagtanggol ang balak na pag-aarmas sa mga civilian volunteers

    Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers.     Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism.   Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan.     Dadaan daw sa […]

  • AKAP budget, ilalaban

    NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ilalaban ng kamara ang paglalaan ng pondo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 2025 budget.     Mahigit sa apat na milyong “near poor” Pilipino sa buong bansa ang apektado nito.     “AKAP is not just a […]