• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 drug suspects timbog sa buy-bust sa Valenzuela

Walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa J. Martin St. Brgy. Pasolo.

 

 

Kaagad sinunggaban nina PSSg Alvin Olpindo at PSSg Samson Mansibang si Rolando Samonte alyas “Tisoy”, 45, ng Palamores St. Coloong at Michael Santos, 47 ng Santos Comp. Malinta Bukid matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu si PCpl Ed Shalom Abiertas na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000 ang halaga, buy-bust money, P2,750 cash, 2 cellphones, motorsiklo, bisikleta at coin purse.

 

 

Nauna rito, dakong 11:30 ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa 67 N. De Galicia St., Brgy. Maysan sina Sahlee De Galicia alyas “Boss”, 49, Enrico Pamintuan, 49, Reynaldo Eugenio Jr., 31, Rogelio Camuñas, Jr., 52, Alberto Fermin, 56, at Edgar Lancero, 48.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang nasa 6.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P44,200 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ng bagong District Director ng NPD na si P/BGen. Bondoc ang Valenzuela police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska sa halos P.2 milyon halaga ng droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

    MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.     Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong […]

  • Mag-utol na HVI, 1 pa isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City.     Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Maj. Dennis Odtuhan kay Northern […]

  • Ads October 18, 2022