• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ANGEL at BEA, na-try na mag-cheat sa exam, skinny dipping at mag-watch ng porn

SOBRANG nakakaaliw ang naging confessions nina Angel Locsin at Bea Alonzo nang laruin nila ang sikat sa online na “Never Have I Ever” challenge.

 

 

Isa nga sa pinag-uusapan sa latest YT vlog ni Bea ang tanong na “tried activity or sport just to please my partner”.

 

 

“I have” ang pag-amin ni Bea at sambit naman ni Angel ng, “Golf ba yan?”

 

 

“Oo, actually, alam mo, sa last interview ni Enchong (Dee), ‘alam mo ikaw, pag kung sino ang dyowa mo, yun din ang hobby na gusto mong gawin’, masama ba ‘yun?”         

 

 

Kahit hindi binanggit ni Bea, alam naman ng lahat na si Zanjoe Marudo ang tinutukoy niya na isang golfer.

 

 

“I have” din ang sagot ni Angel na tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si Phil Younghusband na football player naman.

 

“Ako naman hindi ko ginawa pero nanood ako, pumupunta ako sa football. Alam mo hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako pumapalakpak talaga.          

 

        

“Hindi seryoso talaga, nu’ng una nagpi-pretend akong naiintindihan ko, hindi ko naiintindihan basta alam ko naggo-goal ganyan, may mga rules na hindi ko na siya naiintindihan. Basta pag umiingay ang tao, umiingay na rin ako na para kang naalimpungatan na papalakpak ka na rin ganu’n.”               

 

 

Sa tanong na “called my partner a wrong name.” Reaksyon ni Angel, “Ay grabe ‘yun!” kaya “never” ang pinakita niya.

 

 

Samantalang si Bea, “I have” kaya napa-“Oh my God!” si Angel, kasabay ng malakas na tawa.

 

 

“Kasi ginagawa ko noon A Love to Last. Ang tawag ko dun sa karakter ni Anton (Ian Veneracion) ‘Love.’ natawag kong love kasi sanay ‘yung bibig mo,” paliwanag ni Bea.

 

 

“Nag-react?”, tanong ni Angel.

 

 

“Oo, tinawag niya rin akong Love, char, may iba rin pala siyang tinatawag na love. Hahahahaha!,” tumawang sagot ni Bea.

 

 

Sa question naman na, “slapped someone in real life.” Sabi ni Angel, “Suprisingly wala pa akong nasasampal.”                       

 

 

“Saka di ba, nakakagulat, di ba?, sabi ni Bea.    

 

                               

“Siya ‘yung parang kayang (manapak).”

 

 

I Have ka, Seryoso ka Be? Mapagpigil kang tao, ah?” nagtatakang sagot niya.

 

 

“I have. Kinol ko siya sa other room tapos slapped ko siya kasi may sinabi siya sa akin na parang medyo nayurakan ang pagkababae ko. So, natsika sa buong set, pero okay lang. They didn’t take it against me kasi nga alam din nila ‘yung nangyayari,” kuwento ni Bea.

 

 

Samantala, sa umpisa ng vlog, natanong ni Bea kung kailan na ba ang kasal nila ni Neil Arce matapos nilang ma-engage.

 

 

“Hindi ko pa puwedeng sabihin, pero this year. Ay dapat sana alam mo, kasi invited ka dun, di ba?” natatawang sagot ni Angel at inamin din na nag-aaral na siyang mag-alaga ng chicken sa kanilang farm.

 

 

Gusto raw niyang gawin dogs, na papangalanan daw niya isa-isa ng mga chicks na friends niya kaya mayroon Bea, Anne Curtis, Angelica Panganiban at iba.

 

Marami pa ang inamin ang dalawang mahusay na aktres tulad ng pag-try na mag-cheat sa exam, na-miss ang flight, skinny dipping, watched porn at online dating na ikatutuwa talaga ang manonood na ngayon ay higit sa one million views na.

 

 

***

 

 

MAY mensahe si Geneva Cruz na pinost para sa fans ni Sarah Geronimo dahil sa titulong ‘Pop Ro_yalty’ na inilagay sa kanyang pangalan sa promo ng Your Face Sounds Familiar na malapit nang mapanood na kung saan si Luis Manzano ang host.

 

 

Isa sa 10 contenders si Geneva ng new season ng YFSF at may ilan fans daw ang nag-react sa binigay na label sa kanya bilang ‘Pop Royalty’ na may connect at matagal nang naka-tag sa name ni Sarah G.

 

 

Sa IG account ni Geneva, nag-post siya ng pagpapaliwanag.

 

 

“Hindi ko po inaasahan na manalo, ang gusto ko lamang po ay ang mag-enjoy sa pag-transform into my favorite music icons. Everyone is cool, mukhang masaya ito. This is just what the country needs kasi ang daming negative vibrations diba? #Music and #laughter are always good for the soul.

 

 

“And sa ‘ibang’ fans ni @justsarahgph, please don’t be upset with me; I didn’t ask them to give me that description, nagulat din ako na yan ang tawag sakin. I only want to be called by my name, and I just want to perform, and not offend anyone.”                         

 

 

Buti na lang at nagkaintindihan na at wala ng dapat na ipag-alala na isyu.

 

 

Sabi pa ni Gen, I’m happy to know that as of today (2.7.21) walang issue sa popsters ito and that makes me feel happy and hindi nako naiilang na tawagin na ganyan. I know that the true popsters are as kind and supportive as their idol.

 

 

Napakahirap kasi for performers and musicians to get a chance to actually be on stage and perform dahil po sa pandemic, that’s why I’m very grateful for this opportunity.

 


      “Sana suporthan ninyo ako, feeling ko ako yung bagong salpak eh, ang tagal ko din kasing nawala sa Pilipinas. I can’t wait to perform, and also cheer for my fellow artists. Sana abangan ninyo ang @yourfaceph.(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Biggest POGO hub’ pinadlock ng DILG, PAOCC

    TULUYAN nang kinandado ng mga awtoridad, Miyerkoles ang pinakamalaking POGO hub sa bansa na Island Cove kahapon ng umaga sa Kawit, Cavite.     Personal na ininspeksyon nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Francisco Marbil, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PAOCC Exec. Director Gilbert Cruz ang ilang mga kwarto sa […]

  • 50 percent ng target population sa NCR fully vaccinated na vs COVID-19 – MMC

    Aabot na sa 50 percent ng eligible population sa Metro Manila ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon kay Metro Manila Council and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.     Nasa 70 percent naman ng tinatayang 10 million adult population sa National Capital Region (NCR) ang naturukan ng first dose.     Tuloy-tuloy pa rin […]

  • 70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy

    PATULOY ang pagtaas ng COVID Omicron nang madagdagan pa ng 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5 at BA2.12.1 subvariants, ayon sa Department of Health.     Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang Returning Overseas Filipino (ROF).     Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region […]