• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha

KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.

 

Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House transportation committee ang resumption o pagbabalik ng pilot study sa motorcycle taxis.

 

“Hindi kasi puwede namang mag-operate nang walang franchise, pero kung papayagan naman ng Kongreso through a resolution iyong continuation ng pilot study prior to the approval of the franchise, mapapayagan naman sila,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“The best solution of course is for Congress to pass the franchise as law already, but we leave that to the sound judgement of Congress,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang three ride-hailing platforms na nagpartisipa sa trial na nagtapos noong Marso ay Angkas, Joy Ride, at MoveIt.

 

Naging popular ang Pioneer Angkas dahil sa pagbibigay ng murang ride-hailing services at mabilis na byahe sa traffic- choked roads sa Metro Manila.

 

Sa kabila ng 50 percent ng ekonomiya ang muling nagbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng looser lockdown, ang public transport system ay nago-operate ng 30 percent lamang ng pre- pandemic capacity.

 

“To serve more passengers, President Rodrigo Duterte’s Cabinet on Monday approved a one-seat-apart rule inside public vehicles,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang bagong panuntunan ay magiging epektibo matapos mailathala sa journal Official Gazette ng pamahalaan at pagpapalabas ng alituntunin mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

 

Araw ng Martes nang payagan ng LTFRB ang 4,820 jeepney para mamasada sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • ‘This isKwela,’ pinakabagong online learning community

    TULOY-TULOY  ang pagtuklas ng bagong kaalaman dahil kahit nasa Facebook ka ay pwedeng matuto nang libre sa tulong ng bagong community group ng Globe na “This isKwela.”     Sa “This isKwela,” hindi lamang ang mga estudyante ang makikinabang. Kahit mga professionals na kailangan ng impormasyon para sa kanilang mga trabaho at propesyon ay matutulungan. […]

  • NPC, sinimulan na ang imbestigasyon sa text scams na kasama na ang buong pangalan ng receiver sa mensahe

    SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang  text scams na naglalaman na ngayon ng  pangalan ng subscriber.     Sa isang kalatas, sinabi ni  NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang  “the proliferation of unsolicited text messages,”  tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC […]

  • GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan

    WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus.     Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]