• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno handa na sa pagbabakuna

Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero.

 

 

Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive na napaghandaan naman ng gobyerno.

 

 

“Ilang tulog na lang, mga kaibigan, at dadating na ang unang batch ng ating bakuna. Ready or not, handang-handa po ang ating gobyerno para magsimula ang ating vaccination drive itong ika-15 ng Pebrero,” ani Roque.

 

 

Nilinaw din ni Roque na maisasagawa kaagad ang pagbabakuna isa o dalawang araw pagkatapos duma­ting ng suplay sa bansa.

 

 

“It’s just a matter of when the plane carrying the Pfizer vaccines will actually land in NAIA (Ninoy Aquino International Airport),” ani Roque.

 

 

Ang mga health workers ang nangunguna sa listahan ng mga bibigyan ng bakuna.

 

 

Aabot sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng Pilipinas sa COVAX facility sa unang quarter ng taon kabilang na ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine.

Other News
  • ‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC

    INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.   “Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly […]

  • Ibinalandra ang bonggang singsing… CATRIONA, ni-reveal na engaged na rin sila ni SAM

    SA Instagram account ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray last Thursday, February 16, ni-reveal na engaged na sila ng kanyang boyfriend na aktor na si Sam Milby.     Caption ni Queen Cat, “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee).”     Ipinagmalaki ng beauty queen […]

  • PBA bubble amenities kumpleto sa libangan

    TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.   “Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang […]