• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas

Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.

 

 

Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.

 

 

Batay sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, sinabi ni Vargas na halos 50 ang pekeng Facebook accounts na nabistong nagsasagawa ng online adoption.

 

 

Ayon sa DWSD, nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation o NBI upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng mga social media account.

 

 

Pero giit ni Vargas, dapat ay umaksyon ang pamahalaan at ang kongreso upang mapigilan na ang ganitong uri ng kalakaran at maprotektahan ang mga bata laban sa mga kriminal.

 

 

Hindi rin aniya dapat hayaan na may mga nagsasamantala sa kahirapan ng mga tao ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

 

 

Apela naman ni Vargas sa mga magulang, kung talagang desidido silang ipaampon ang kanilang anak ay idaan ito sa legal at tamang paraan, gaya ng sa pamamagitan ng agency adoption at pino-proseso ng DSWD o kaya’y pagpapapa-ampon ng bata sa kaanak (na hanggang ika-apat na degree ng consanguinity). (ARA ROMERO)

Other News
  • Catantan dinale bronze, All-America awardee pa

    NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.     Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, […]

  • PBBM sa Veloso clemency: ‘Malayo pa tayo doon’

    “MALAYO pa tayo doon.”     Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa posibilidad na pagkakaloob ng ‘executive clemency’ kay Mary Jane Veloso.     “We still have to look at really what their status is,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview.   “[W]ala namang condition na […]

  • PBA: NorthPort stops import-less Converge

    Pinigil ng NorthPort ang 7 WINNING STREAK ng Converge team na nagpasyang umupo sa import na si Quincy Miller matapos manaig sa 112-97 sa PBA Commissioner’s Cup noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.   Umiskor si rookie William Navarro ng career-high na 29 puntos habang nagdagdag ng 17 rebounds at siyam na assists nang manalo […]