Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo.
“We would like to thank Mr. Enrique Razon for providing our Olympics-bound athletes with vaccines,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kahapon.
Ang paparating na Moderna vaccine ay nagkakahalaga ng $26 ( P1,250).
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mayroon pa lamang Olympic berth.
Hindi kasama ang mga elite athletes sa prayoridad ng gobyerno na bigyan ng COVID-19 vaccines dahil hindi sila itinuturing na frontliners.
“I’m sure that with the generosity of Mr. Razon, especially in these difficult times, would further spur our athletes to focus on the Olympics without fear of getting infected,” sabi ni Tolentino sa chairman ng International Container Terminal Services Inc.
Naniniwala rin ang POC chief na matutuloy ang 2021 Tokyo Olympics bagama’t may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Japan.
-
New gag show na idi-direk nina ERIC at EPY, tribute kay Comedy King DOLPHY
“PANDEMIC Superstars” ang tawag ni Direk Roman Perez, Jr. kina AJ Raval at Sean De Guzman, ang bida sa bagong obra niya titled Hugas na ipalalabas via streaming sa Vivamax simula January 14. Kapwa sinabi nina AJ at Sean na ibinigay nila ang lahat nang kanilang makakaya para mapaganda ang Hugas kumpara sa […]
-
Rockets sabog sa Lakers
Pinabagsak ng Los Angeles Lakers sa pangunguna ng super tandem nina LeBron James at Anthony Davis ang nanghihinang Houston Rockets, 110-100, sa Game 4 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinals series na ginaganap sa bubble sa pasilidad ng Walt Disney sa Orlando, Florida. Hindi na pinaporma ng Lakers ang Rockets simula 1st quarter hanggang 4th […]
-
Manhunt vs nagpupuslit, nagbebenta ng bakuna
Nagpalabas ng manhunt operation si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nasa likod sa pagpupuslit at ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines. Ayon kay Eleazar, makikipag ugnayan ang CIDG sa lahat ng police units upang matukoy ang mga responsable sa ilegal na bentahan at […]