• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manhunt vs nagpupuslit, nagbebenta ng bakuna

Nagpalabas ng  manhunt operation si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nasa likod sa pagpupuslit at ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

 

 

Ayon kay Eleazar, makikipag ugnayan ang CIDG sa lahat ng police units upang matukoy ang mga responsable  sa ilegal na bentahan at gawain.

 

 

Nilalagay umano ng mga ito  sa panganib ang buhay ng  bawat indibiduwal.

 

 

“Paalala lang natin sa publiko na mapanganib iturok ang mga smuggled na bakuna dahil lumalabas na peke ang mga ito. Imbes na makakuha tayo ng immunity mula sa sakit ay lalong maging dahilan ito ng ating kapahamakan”, dagdag pa ng PNP chief.

 

 

Maging ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health ay kanila na ring naabisuhan para sa kanilang operation laban sa bentahan ng  smuggled na vaccine.

 

 

Mahigpit na ipinagbaba­wal ang paggamit ng CO­VID-19 vaccine hangga’t walang approval para sa emergency use ng  FDA.

 

 

Binigyan diin ni Eleazar na peke ang mga vaccines na nakuha mula sa tatlong naaresto ng NBI kamakailan.

 

 

Paalala nito sa publiko, walang bayad ang vaccine dahil ito ay vaccination program ng pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang walang paglabag sa batas

    SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (National Cultural Heritage Act […]

  • Shoot to kill order ni PDu30 laban sa mga NPA

    PARA sa Malakanyang, internationally accepted principle ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga miyembro ng New Peoples Army Group.   Ito ang inihayag ni Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pagkuwestiyon sa shoot to kill order ng Chief Executive Punong Ehekutibo laban sa mga armadong NPA.   Binigyang […]

  • Malakanyang, pinaalalahanan ang publiko na sundin ang 7 commandments ng DOTr ngayong Mahal na Araw

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko partikular na ang mga magbi-byahe sa probinsiya na sundin ang 7 commandments ng health protocols sa pampublikong transportasyon ngayong Mahal na Araw.   Inisa-isa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang 7 commandments na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr). ito ay ang mga sumusunod: 1. Magsuot ng face mask at […]