• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bolick virtual fan lang muna ng NP

MAGSISILBI munang virtual fan lang ng NorthPort si Robert Lee Bolick, Jr. sa kampanya ng Batang Pier sa reopening ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup elimination sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

 

Gustuhin mang makipag- patintero muli sa hard court, hindi pa pupuwede dahil hindi pa tapos ang rehabilitasyon ng injured knee ng 25-anyos, 6-1 ang taas na point guard.

 

Sa katunayan wala ang sophomore sa Clark Freeport and Special Economic Zone bubble, nagpaiwan sa Maynila para makumpleto ang therapy sa pinapagaling na injury na nakuha October noong isang taon sa Governors’ Cup.

 

Sa first game ng Batang Pier nitong Lunes kontra Blackwater, kasama ang combo guard sa virtual fans na nasa malaking monitor sa gilid ng court sa AUFSACC.

 

Nahagip ng camera si Bolick, nakahiga. Parang salubong pa ang kilay niya.

 

Siguro ay naiisip ng kamador na dapat ay naroon siya, tumutulong sa team.

 

Pinanood lang ni Bolick ang Batang Pier na masaklap na natisod sa Blackwater via 96-89 decision. (REC)

Other News
  • PHILHEALTH, IPAPABUWAG NI DUTERTE SA KONGRESO

    ISUSULONG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pag-abolish o pagbuwag na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna pa rin ng malawakang katiwalian sa state health insurer.   Sinabi ni Pangulong Duterte, mas mabuti ng ipabuwag ito dahil wala namang kapitalistang papatol o bibili sa korporasyong wala ng pera.   “Itong PhilHealth, […]

  • Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’

    KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao.     “You cannot stop people from wanting […]

  • CBCP, nais magkaroon ng public consultation ukol sa ‘revival calls’ ng death penalty reimposition

    Nais ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng public consultation kaugnay sa muling pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.   Reaksyon ito ng CBCP makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address kahapon na magpasa ng batas para maibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection […]