• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 drug personalities natimbog sa Caloocan

Sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang apat na babae ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug opereation sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo sa Baltazar St. Brgy. 63 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jhosa Jurok, alyas “Boss”, 24 ng M. Hizon St. Brgy. 63, at Edison Lopez alyas “Esot”, 26 ng Libis Espina St. Brgy. 12.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at pitong piraso P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-10:30 naman ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni PLT Ronald Allan Soriano ng West Grace Park Police Sub-Station ang natanggap na tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibidwal na nagtatransaskyon umano ng ilegal na droga sa Doña Rita St. Brgy. 19.

 

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang grupo na nagtatransakyon ng droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang si Marian Montemayor, 41, Gloria Javier, 43, scavenger, Roland Familgan, 46, construction worker at Roderick Sanchez, 51, construction foreman.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang pitong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200.00 ang halaga.

 

 

Nauna rito, alas-9:55 ng gabi nang makuhanan naman ng nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga si Paul Lobo, 41, construction worker, at Larnie Dela Cruz, 40, house wife matapos masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa harap ng bahay sa No. 446 Sterling Diamante St.  Deparo,   Brgy. 170, ng lungsod dahil kapwa walang suot na face mask at tinakbuhan pa ang mga pulis.

 

 

Alas-10:40 din ng gabi nang respodehan din ng mga pulis ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa proliferation ng ilegal na droga sa Tulingan St. Brgy.14, ng lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sonny Ocampo, 47, tricycle driver at Carlito Lurique, 45, vulcanizing boy.

 

 

Narekober sa kanila ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • PSC umaasang mabibigyan ng sapat na pondo

    Kung mabibigyan ng sapat na pondo ay maa­aring maulit o mahigitan pa ng Team Philippines ang kanilang performance sa nakaraang Tokyo Olympics sa paglahok sa 2024 Paris Games.     Gumastos ang Philippine Sports Commission (PSC) ng humigit-kumulang sa P2.7 bilyon simula noong 2016 na nagresulta sa isang gold, dalawang silvers at isang bronze medal […]

  • CITIZEN REGISTRATION PROGRAM, INILUNSAD SA NAVOTAS

    OPISYAL nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang NavoRehistro Citizen Registration Program, na minarkahan ng isang ceremonial commitment signing sa ginanap na flag ceremony ng lungsod, nitong Lunes.     Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, barangay, at Sangguniang Kabataan, na nagpapahiwatig ng nagkakaisang […]

  • KAUNA-UNAHANG OSPITAL NG OFW, ITINAYO

    ITINATAYO  na ang kauna-unahang ospital ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magkakaroon ng soft opening nitong Oktubre 1 .     Ayon kay Labor Usec. Renato Ebarle, pinamamadali na ng DOLE ang pagkumpleto upang sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang OFW Hospital na itinatayo sa San Fernando, Pampanga makaraang madelay dahil sa patuloy […]